Sunday, February 26, 2006

Kuwento Ng Balot

Ang balot ay isang uri ng itlog na kinagigiliwan nating kainin… Isang uri itong delicacy na ang laman ng itlog ay sisiw… Isa daw itong pampalakas… Vitamins kumbaga…

Tuwing gabi sa lugar na pinapasukan ko may naglalako niyan na empliyado… Pag dumadaan si Manang aalukin ako “Gusto mo ba ng balot? Penoy?”

Kinasanayan na nating sabihin na “Yung maraming sabaw po ang ibigay niyo ha?”

At natural na sasabihin ng nagtitinda na “Oo, masabaw yan…”

Ngunit sigurado ba siya sa sinasabi niya? Siguradong masabaw daw iyan…

Mamaya-maya, may narinig ako sa kasama ko… “Niloko tayo ni Manang! Di naman masabaw ah! Malaki pa ang sisiw!”

Hindi sila niloko ni Manang… Sila ang nanloko sa sarili nila… Kahit sino ay di alam ang laman ng itlog… Hindi kasi nakikita ang loob nito… Naniwala sila agad na masabaw daw… Kahit sino na may negosiyo o hanapbuhay ng paglalako ay magsasabi na maganda ang produkto nila at sinisigurado nila ang kagustuhan ng mga mamimili…

Subukan niyong bumili ng mga pagkain inihahain sa karindirya… “Maanghang po ba ito?” Sasabihin nila na “Oo, maanghang ito…” Dahil akala nila gusto niyo ng maanghang… Ngunit sa tingin ko di naman ito maanghang… Curry po ang tinutukoy ko na walang quality…

Parang sinasabi ng isang may nirereto… “Oo, may kakilala akong tall, dark, and handsome…” o “May kakilala akong sweet and sexy…”

Hindi importante sa akin ang mga quality na iyan… dahil lahat po tayo ay may kapintasan… Hindi perpekto dahil tayo ay tao lamang… Ngunit meron po tayong sariling kalidad… Kalidad na makikita lamang sa iisang tao… Ispesiyal na binigay ito sa atin ng Banal Na Gabay…

“Imperfect is perfect” – Isa sa mga paborito kong motto…

Wednesday, February 22, 2006

Pagbabalatkayo

Feb. 22, 2006 0600hrs - 0800hrs

Gumising ako ng napakaaga para lang umabot sa appointment ko para sa ngayong araw na ito... 8 o' clock na wala pa ung kaapointment ko...

May dumating na kotse... Pinasakay ako...

"Nakapagreview ka na ba?"

"Medyo..."

"Wag mong ibabagsak yan ha. Kundi balik ka sa susunod na buwan."

Ito ang araw na tinakda ko para kumuha ng exams sa LTO...

Feb. 22, 2006 0900hrs

Nakarating na kami sa LTO...

Pagpasok sa loob... Inasikaso kaagad ang mga papeles ko para sa medical and drug test...

Feb. 22, 2006 0930hrs

"Inaannounce po namin na nagkaroon po kami ng computer slowdown, nation wide po ito..."

Akala ko di nangyayari ito sa government agencies? Dahil may tamang kaalaman ako sa pagkukumpuni ng computer... Alam ko na either magkakaroon talaga ng lag sa system o talagang nagloloko ang computer... Since sinabi nilang nation wide ito ibig sabihin main server nila may problema... Sa main office, wala po sa dito...

Simula nung graduation ko... Marami na akong napupuntahang government agencies na katulad ng LTO... Siyempre ang una sa listahan ay ang PRC... Sunod diyan ang NBI, BFAD, BIR, Immigration, at ang pinakahuli ang LTO...

Lahat po sila government agencies... Public service di ba? Pero alam niyo po ba na iisa lang po ang estilo pag gusto niyong maglakad diyan ng papeles? Una dapat sa listahan ay magdala ng pera, sunod diyan ang pagkain (para sa lunch), at magdala pa ng mga bolpen, at mga importanteng numero katulad ng SSS, TIN, ...etc...

Naranasan ko sa lahat ng ahensiya na iyan na magtawid gutom... Dahil sa kabagalan ng proseso at kapalpakan ng mga komputer...

Pagdating sa professionalism... bibigyan ko ng "0" ang PRC... Bakit? e, masasama ang ugali ng mga tao dun eh... Tama ba yan? Tapos sasabihin nila "Be professional?"

Feb. 22, 2006 1200hrs...

As usual di pa tapos ang proseso nagpapicture na ako... pero wala pa akong nababayaran sa cashier dahil ang speed daw ay 5 transactions per hour na daw... Ganon kabagal...

Feb. 22, 2006 1330hrs...

Tinawag na ang pangalan ko, nagbayad na ako sa cashier... Mamaya-maya binigay na sa akin ang mga papeles ko. pwede na akong kumuha ng exam...

Feb. 22, 2006 1400hrs...

Kukuha na ako ng exams... pagpasok ko sa examination room... Grabe, mukhang wala ang proctor ah... Makikita mo sa loob ng silid ang mga traffic signs... Di ba bawal iyan? Yung iba nagpapaturo pa... Pwedeng tumayo, magbukas ng reviewer wag lang magpapahuli sa nakaupo sa may pintuan... kopyahan? (di ba computerize to? random ang questions?) di natin masisisi ang mga kumukuha ng exams dahil karamihan sa kanila ay mga professional driver's license ang kukunin... Para sa kanilang hanap-buhay...

Pero kahit na di ba? kaya nga po tinawag na exams to eh... Tinapos ko ang exam sa loob ng 30 minuto... 40 items lang eh... (di po ako nag-aral at wala po ako sa mood magreveiw)

Mamaya-maya lumabas na ang resulta ng exam... pasado ako... 95% nakuha ko... Malungkot parin ako... (may problema kasi ako eh...)

Umuwi na ako... Instruction kasi sa akin ng driving school. Sila na raw ang kukuha ng lisensiya ko...

Friday, February 17, 2006

Balloon Colored Butterflies (A poem dedicated for Crispin’s & Jellica’s wedding.)

That night I saw balloons flight
That night I saw butterflies fly
Pearls of bubbles float in wind
Cheerful breeze sprinkles through the air

He made the vow
She made the promise
An oath made in front of The Creator
And rings of eternity flashes

In the garden of shared blessings
A tradition was whispered
The butterfly will bring blessings
The blessing of the lucky touch

The balloons will float
And brings ones heart’s wish to heaven
Messages were sent
Butterflies spread the blessing luck

It touches her gown
It spreads the luck
I leave a balloonless prayer
Wishes drift in endless sky

I saw the promise
I saw the smile
A blessing was truly made
An angel of heaven sent

~arol~

Wednesday, February 15, 2006

Ang Ngiti Sa Likod Ng Kamera

"Uy, picture! picture daw! Dali!"

"Ok, ready smile, 1, 2, 3... click"

Natural na ang ganitong senario kapag may party, graduation, oathtaking, o kahit anong klaseng pagtitipon... Sa mga litratong nakukunan sa oras na iyan ay puro natural na kuha... (unless na dumaan iyan sa computer editing) Mga ngiting makikita lamang kapag ang isang tao ay tunay na masaya... Kahit man lang galaw na nakunan sa oras na iyon ay totoo...

Ngunit sa bawat kuha ng kamera... Ang taong kumukuha ng litrato sa oras na iyon ay tunay ding kahanga-hanga... Di sila nakikita sa litrato... hindi rin sila nagsasalita... O kahit makasingit man lang sa litrato (unless cel phone na may camera). Ang mga ngiti ng kumukuha ay siguradong tunay dahil sa gusto nilang makakuha ng magandang anggulo at ang pangalan at katauhan ay hindi nakilala (unless sa mga magazines at diyaryo may nakalagay na pangalan).

Ang taong kumukuha ng litrato ang siyang palagi may magandang alaala sa kanyang kinuhaan... Pano na kung sa bawat lakad niyo isa lang ang kumukuha ng litrato? Kawawa siya la siyang picture di ba? Pero ang ngiti na nakikita ng kumukuha ay sapat na para mapawi ang lungkot na di siya makakasama sa litrato...

Katulad ng isang pintor na ayaw tapusin ang kanyang pinipintahang litrato ng magandang babae... Dahil sa kanya lamang pinapakita ng magandang dalagang ito ang kanyan tunay na ngiti... Ngiti na kailanman ay di nasisilawan ng kahit sinuman... Ang ngiti na ito ang tunay na regalo sa pintor. At ang pintor na ito ay nagkagusto sa babaeng kinokopyahan ng pinta...

Kaya sa bawat kuha ng mga litrato wag niyo pong kalimutan ang mahalagang taong nasa likod ng kamera...

Happy Picture Taking! :)

(A reminder for those who will be having their graduation, oathtaking, and grand event in their lives...)

Thursday, February 09, 2006

Anong Meron Ang Taong Happy?



"Anong meron ang taong happy?" - isang katagang naririnig ko sa TV. Akala ko nga commercial ng McDO or some fastfood chain. Ganda nga ng pagkakagawa maganda rin ang jingle the commercial... Kung pwede ko lang irate ibibigay ko ng 10 yan as the highest... I considered it as one of my favorite commercial.

Jan. 27, 2006 1800hrs - 2000hrs

"Alam mo ba ung commercial ng Enervon-C?"

"Ah, ung anong meron ang taong happy?"

"Ganda nga ng pagkakagawa eh..."

"Kasi nagle-lay-low ang United diyan sa mga commercials last year."

"Tignan mo marami pang susunod na commercials"

Favorite ko ung commercial na yan. Nakakatuwang pakinggan at tignan. Pati mga kaibigan ko tinext ko ng quotes na "anong meron ang taong happy..." Sa totoo lang mga friends and kabarkada ko ang source ng happiness ko... dahil di ako nagkaroon ng magandang inspiration sa buhay ko kaya naging stressful ako sa work... hinahanap-hanap ko palagi sina Ross, EJ and Pat nung akala ko di ko na mamimeet ung mga kabarkada ko sa Scholia...

Silang tatlo ang palagi kong pinupuntahan kasi nga sila ang unang kaberks ko at naging source ng lakas ko... Pero parang kulang talaga... meron pa akong hinahanap...

Alam ko na kung ano ang hinahanap ko... wala kasi mga kabarkada ko sa scholia kaya kulang... nung magkita kami muli sa Paskuhan2005 nagbago ang lahat... I'm a complete person again... Marami na pala akong namiss sa kanila... Daming nagbago... Ako lang ata ang hindi nagbago eh...

Pero after nung gabing ginawa ni Lord... Nagbago ang lahat... Dami narin nagbago sakin...
Bumalik ang lakas at sigla ko... Di na ako masyadong naii-stress... Nagkaroon na ako ng rason sa buhay... Nagising narin sa wakas ang natutulog na kalooban...

Salamat sa inyo mga kaibigan at kabarkada... Salamat po sa Inyo Lord...

Sunday, February 05, 2006

A Formula Without An Equation

In Math, we usually use formula to solve a problems and we uses equations to produce solution for the question. But in life, I realize that there are questions that can be answered without a formula!
We human knows that it is possible for that to happen but do you know it can also happen in our own life? Scientist never really know how the universe was created they all base it all on theories, right? It happens to me almost all the time... As if someone is guiding me, and that someone and I'm sure of it is Our Creator...
You know... to be honest I always thank God when good things arises and sometimes go to church alone to ask guidance... I don't go to the church every Sunday cause that is impossible due to my work. But I pray when I pass through a church... I never ask for something that I like like: I want to eat at Makati at one of the restaurant; I want to have an overnight with friends; I want to follow the new trends... etc... "Sana ganito, sana ganyan" - wish ko lang po... but I never include those things in my prayers...
You know what happened? God gave them all to me for me to realize the feelings like these are His gift for me... And everything can happen in one shot... never expect it to be that fast... But in every "gift" He gave me is also a part of His own "formula"... A formula that noone knows the answer or how to solve it... It will leads to an answer with its own solution... Even problems that God gave us can be solve by God's formula... And every solution in each formula leads to another future that God want us to be...
Like a perfect mathematician: Only the person who writes the formula knows the his solutions and can show a reasonable equation.
Thank you po Lord for letting me realize this...
God Bless!