Tuesday, January 24, 2006

Pangako sa Isang Sikreto

Dec. 20, 2005 1500hrs-1800hrs

“Arol, ano yang nasa leeg mo?”

“Alin? Eto? Bigay sakin to ng lolo ko… Bagong panganak palang ako sinabit na to sakin.”

Isa itong kwintas na nag-iiwan ng mga natitirang alaala ng aking lolo…

“Apo, bigay yan ng lolo mo nung bago ka pa lang ipinanganak. Bumili kaagad sya nun. Kalabaw ang pinili nya di dahil sa year of the ox ka ipinanganak kundi alam nya paglaki mo siguradong matigas ang ulo mo.”

Isa itong regalo mula sa lolo ko… Ang una at huling regalo… Pumanaw sya pagkalipas ng 6 na buwan mula sa aking kapanganakan….

Isa itong sikretong konti lang ang nakakaalam. Di ito alam ng mga pinsan ko. Tanging mga magulang at kapatid ko lang ang nakakaalam…

Kung ano ang edad ko, ganun ko na rin katagal ito suot. Halos ito narin ang naging saksi sa kasaysayan ng akin buhay...

Isa itong sikreto… Sshh… Wag mo itong ibubunyag sa kahit kanino… sikreto lang natin to mahal kong kaibigan… v(o_o)v

Monday, January 23, 2006

A Lucky And Happy Friday The 13th





Jan. 4, 2006 1000hrs.

"Ma'am Jen, pwede po ba ako makipagpalitan ng schedule? La po kasi pwedeng makipagpalitan eh..."

"Kelan mo ba gusto makipagpalitan?"

"Sa Jan. 14 po."

"Bakit?"

"Party po para sa last day na namin makasama ung friend ko... Kasi aalis na sya papuntang
Italy."

"14 ang party nyo?"

"di po sa 13 po para lubuslubusan na namin ang pagsasama."

"Hindi, hindi pwede di rin ako papayag..."

Nakakainis talaga... Minsan ko lang makakasama ang mga taong tinuring kong tapat na kaibigan di pa ako pinayagan... Ganyan talaga ang buhay... di bale nalang hahabol nalang ako sa duty tutal 3pm pa naman pasok ko sa Jan. 14 eh...

"Ryan, pag nag-absent ka bibigyan ka namin ng memo... masususpend ka!"

Who are you? Why are you preventing my freedom to be with my friends? Anyway, yan ang mahirap sa work. La kang kalayaan sa mga gusto mo... para kang robot na sumusunod sa mga programs...

Jan. 13, 2006 1500hrs...

"Ryan, ba't ka nanlibre ng kalahating gallon na ice cream? di ba bukas pa last day mo bago ka mg-vacation leave?"

"Para kay Ma'am Shirley po yan last day na nya dito diba resign na po sya by tomorrow?"

"Nga pala, mamaya na yung party diba? Wag kang maglalasing tandaan mo ung MEMO!"

Paki-alam ko sa memo! Di naman ako natatakot sa isang papel lang... Mahal ko ang mga kaibigan ko masaya ako pag kasama ko sila...

Jan. 13, 2006 1830hrs...

"Pa, alis na po tayo..."

"Trapik dito sa Makati Ave... Boss."

"Ayun na ang Travellers."

"Ako nalang po magbubuhat ng dalawang case na yan."

Jan. 13, 2006 1900hrs-2000hrs

"Wow! ang dami nyan ah..."

"Pwedeng pangkabuhayan showcase yan."

"Lako kaya natin sa ibang room. hehe."

"May Vodka pa tayo!"

Jan. 13, 2006 2000hrs- Jan 14, 2006 0300hrs

Sa gimik ng mga kaibigan ko... nakita ko sa kanila ang saya ng buhay... Nagsisisi ako na nakababad lang ako sa trabaho puro trabaho ang nasa isip ko... duty sa umaga, hapon at ang pinakanakakabuwisit na nightshift... Speaking of nightshift, ayoko na nyan; punum-puno na ang pasensya ko biruin mo nagNew-Year ako sa ospital... Malungkot, di ako naeenjoy sa mga pekeng ngiti na pilit na pinapakita nila dahil bagong taon... Mga 3-11pm duty ng Dec. 31, 2005 parang di nagduty... Bahala sila puro mukhang pera, pagkain, chismosa't chismoso mga un. Ah! Basta kasama ko mga kaibigan ko ngayon di ako mawawalan ng lakas ng loob.

Mga kaibigan ko, mga mahal kong kaibigan halos isang taon at kalahati ko na sila di nakakasama...
Nakilala ko sila sa isang organization... Dun ako nag-grow. Doon ko nagamit lahat ng talino ko...
Sa kanila ko nakita ang patas na pagtanggap at suporta sa mga problema...

"Arol, ba't ang bait-bait mo sa amin?" - Isang tanong na mahirap sagutin, mahirap ihambing ngunit madaling ipakita.

"Kasi mahal ko kayo!" - Isang sagot na malabo, malawak unawain, ngunit kumpleto... Di ko to binigkas ngunit nakasulat saking mga ngiti.

Sina Patricia, EJ, at Si Ross ang una kong naging barkada... Nakilala ko sila sa Scholia dahil narin sa tulong ni Floyd. At sina Alen...

Sina Alen, shasha, Jing, Janjan, Ria, Grace, Jellica, Stacy, Hyra, Farah at Mai... Di lang collegue at kaibigan ang turing ko sa kanila... tinuring ko silang kabarkada...

Sila mga mapagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay, kumportable, at panatag ang loob ko pagkasama ko sila...

Kahit di ko sila nakakasama sa mga lakad nila at gimik, alam ko kung hanggang saan sila kung gumimik... Parang matagal ko na silang kilala...

Habang lumalalim ang gabi, isa-isa nang umuuwi... Ayokong umuwi... mag-oovernight ako... bihira ko lang silang makasama... Bahala na un duty ko mamayang hapon...

"Nu nangyari kay Janjan? lasing na ba?"

"Hindi, may klase pa kasi sya bukas 7 ng umaga. Pumikit lang sya..." - Isang sagot na nagpanatag sa nag-aalalang kalooban.

Sa mga kantang wala sa tono, sa mga beer na wala sa ref... Masarap talaga inumin kung may kasama kahit di na malamig at may kapaitan... Basta't masaya sila, masaya rin ako...

"Arol, Why are you sad?" - Isang tanong na nagpapaupaw ng saya na pilit itinatago sa mga nakatikum na bibig...

Sa mga huling sandaling makasama ko sila sa kantahan at gimik... Ayoko pang ipikit ang mga mata kong inaantok... Alam ko pag pinikit ko, ilan sandali nalang mawawala na sa paningin ko ang isa kong matalik na kaibigang aalis na papuntang Italy... Pero di ako nag-aalala dahil alam kong di sya pababayaan ni Crispin...

Daming nagbago sa buhay ko sa loob lamang ng isang buwan simula nung Dec. 20, 2005 PASKUHAN hanggang ngayon... Naging makulay ang buhay ko dahil sa kanila... Nagkaroon ako mga bagong kakilala... Crispin, Ryan, Kaki, Jay, Elvin, Jub, Ryza and Bernadette... Nagkaroon ako ng bagong lakas ng loob at pagtitiwala sa sarili... Nagkaroon din ako ng bagong trabaho sa tulong din ng mga kaibigan ko (Salamat, Hyra at Stacy)... At nagkaroon din ako ng bagong kulay na magpipinta sa aking buhay...

"Lord, hindi ko alam kung pano ko kayo pasasalamatan... Kung ang mga hirap dinanas ko nung nakaraang taon ay pagsubok Nyo, nagpapasalamat po ako. Sa mga taong tinulungan ko na nangangailangan na di ko man nakilala ay nabago ang buhay dahil na rin sa malambot na pusong ipinagkaloob Nyo sa akin... Alay ko po sa Inyo ang mga karanasan ko sa buhay... Lord, salamat po... Amen."

Isang hiling ang hindi ko lang maibigkas sa mga kaibigan ko... Sana di kayo mawawala sa buhay ko... Dahil mahal ko po kayo!

Love That Leave and Wait

The day of sadness is very near.
Seeing me leaving is very rare.
When the day comes it may be tears.
Seeing me leaving with no fear.

Hoping to see your face in the dark of night.
I dreamt of you in the light.
Making the illusion so bright.
That makes me blind in sight.

Before I walk away.
There are words I want to say.
Hoping you would stay.
Waiting for me, I hope you may.