Sunday, July 01, 2007

Bad Trip (Episode: 3 MAAP Ng Bataan)

Sa madilim na hi-way rumaragasa ang mga mabibilis na sasakyan. Sa bus na sinasakyan namin, mapapansin na halos lahat ng mga pasahero dito ay tulog. Pinatay na ng driver ang ilaw sa loob ng bus... Umuulan pa rin sa labas di nagbabago ang hugis ng mga patak ng ulan… Ganun pa rin ang buhos, ganun pa rin ang lakas…
Mga 4:30am nakarating na kami sa Sison, Panggasinan Victory Liner Bus Stop. Dito kami bumaba at nag-abang ng bus na papuntang Olonggapo… Wala pa ang bus… Umupo muna kami sa mga bakanteng bangko na nakahilera sa tabi ng isang bakanteng restaurant… Maririnig ang mga tugtog ng radio sa isang speaker… Malamig ang hangin na nanggagaling sa hi-way at pumapatak pa rin ang ulan…
Tumuloy muna ako sa meriendahan ng bus stop. Walang ang taong nagbabantay dito… Mamaya-maya, dumating ang isang bus bound to Baguio at huminto dito… Nagsibabaan ang mga pasaherong gusting magbreak… Lumabas na rin sa wakas ang nagbabantay sa tindahan… Nag-order ako ng isang chicken mami. Malamig kasi ang panahon at medyo gutom na rin ako… Binalikan ko sina Raf at Jing na naka-upo pa rin sa bangko nag-hihintay ng bus…
Pagkaraan ng ilang saglit, dumating ang isang bus na bound to Olonggapo… Sumakay na kami dito… Regular bus lang ito, walang aircon… Medyo matagal ang paghihintay nila sa pasahero… Umalis na rin ang bus sa bus stop nang medyo nasisilaayan ko na ang sikat ng araw…
Dito, sa loob ng bus kami natulog… Pikit na ang mga mata nina Jing at Raf… Pagod na rin siguro sa biyahe… Pumikit na rin ako… Pagod na pagod na rin ako… Wala pa kasi kaming pahinga, palagi kaming nagmamadali… Pagdilat ng mata, mataas na ang araw… Nasa Tarlac na kami… Paputol-putol ang tulog namin sa bus…
Nakabalik uli kami sa unang bus stop ng biyahe namin mula Manila papuntang Baguio… Bumaba uli ako para bumili ng makakain… Bumaba rin sina Jing at Raf… Sa oras na ito naalala ko birthday pala ngayon ni Joyce…
Si Joyce, isa sa mga tinuring kong tapat at tunay na kaibigan… Nakilala ko siya sa Organization Room, member ng Debate Society… Kaklase siya ni Floyd, Chief Academic Head ng Scholia at si Floyd ang boss ko nung nag-academic head ako… May isang insidente nung kami ay nagrereview pa sa board na makapagsasabi na totoong kaibigan talaga si Joyce…
Tinext ko siya at ginirit ng happy birthday… Pagkatapos ng ilang oras nakarating na kami sa Pampangga… Tinext ko uli siya… Ang pagkakaalam ko kasi nag-tatrabaho siya sa Manson Drug sa Pampangga… Di siya nakapagreply malamang nasa work na siya…
Di na kami bumaba sa bus station dito sa Pampangga… Aalis na daw ang bus oras na mapuno ito ng pasahero… Di nagtagal umandar na ang bus puno na ito ng mga pasahero… Inaantok pa rin kami… Paputol-putol pa rin ang tulog namin… Nadaanan namin ang SM Pampangga. Deretso sa hi-way… Mapapansing iba na ang frequency ng radio ng bus… Familiar na sa akin mga istasiyon na ito… Ibig sabihin malapit lang ito sa Manila at sa Manila nanggagaling ang frequency na ito… Di nagtagal sa hi-way, muling bumuhos ang ulan malalaki ang patak nito at palakas ng palakas… Di na ito tumigil at tuloy-tuloy na ito hanggang nakarating kami sa Bataan…
Nagpalit kami ng bus nangmakarating kami sa isang monumento ng mga sundalo… Malakas pa rin ang ulan at bumubuhos… Basang-basa uli kami kahit na may dala na kaming payong… Pinara namin agad ang dumating na bus papuntang Mariveles, Bataan... Dito sa loob ng bus ako nakatulog ng mahimbing… Siguro mga dalawang oras ang tulog ko dito… Ginising nalang ako ni Jing ng makarating na kami sa compound papuntang MAAP… Malakas pa rin ang ulan… Basa uli kami… Nag-tricycle kami papuntang Acadamy…
Pagdating namin doon, kinontak agad ni Raf ang kakilala nilang kadeteng gagraduate sa araw na ‘to… Sa gate palang, di na ako masyadong komportable… Di dahil di ko alam ang lugar na ito kundi naalala ko ang mga pinagdaanan ko nung nag-a-ROTC ako sa UST at Fort Bonifacio habang nakikita ko ang mga kadeteng naka-detail at nagdidrills sa loob at labas ng building… Ayoko nang maalala pa ang mga nangyari at mga pinagawa sa amin nung ako’y nag-a-ROTC… Alam ko ang hirap at ang pinagmamalaki nilang “Dicipline” para sa mga kadete… Siguro ang ROTC ay tikim palang sa amin… Ngunit siguradong masmaraming pahirap at diciplina pa dito…
Babae ang kakilala nilang kadeteng gagraduate dito… Nilibot namin ang mga kuwarto dito kasama ang mga parents ng mga gagraduate na kadete… Di ako kumportable sa lagay na ito… Habang nakikita ko ang isang kasama namin na kamukha ng naging officer ko nung nag-a-RO pa ako...
All I did is just play along with them like it’s nothing to me… Acting like I’m comfortable with them… It’s not because I’m afraid of military men or something… It’s just I hate the feeling of seeing those cadets doing those “SOP’s” and “discipline” thing in front of my eyes…
1pmna, gutom na kami… Wala kaming makakainan… Nakikain nalang kami sa kumare ng parent ng gagraduate kasama ang kanilang anak at pamilya… Di ako manhid, nararamdaman ko rin ang di pagkakumportable nina Jing at Raf… Sa oras na ito, mahina na ang ulan… At umiihip na ang malamig na hangin...
Pagkatapos naming kumain at paalis na kami sa MAAP… Nag-salita na si Jing… Ayaw niyang makitulog sa kanila… Alam ko kung bakit, kahit di niya ito sabihin nararamdaman ko ang rason… Si Raf gusto na ring umuwi… Gusto ko na rin umuwi pero depende sa mga magaganap dapat marunong akong mag-improvise ng mga pangyayari…
“Lord, ano po ang dapat namin gawin…?” Nakatingala ako sa langit… Biglang umihip ang hangin na parang sinagot na ni Lord ang tanong ko, tsaka biglang umambon…
“Parang gusto na tayong pauwiin ni Lord…” Sabi ko kina Jing at Raf… Pareho kaming nagkasundo na umuwi na ng Maynila…
May tinayo daw bahay ang kumare ni Tita, malapit sa Acadamy. Dun daw kami makikitira… Nakakahiya sa ibang tao ang gagawin namin… Sino ba kami para makitira sa bahay ng ibang tao samantalang guests lang kami ng isang nakikitira? Ewan ko ba…
Nagplano na kami ng palusot habang nasa tricycle para maka-uwi na kami agad… Ayaw na namin tumuloy sa bahay na yon… Nakikita ko na kina-Raf at Jing ang pagtanggi… Lalaki ako, kelangan kong gumawa ng paraan para makaalis agad kami…
Pagdating namin sa bahay ng kumare ni Tita... Pumasok na kami sa loob… Nilapag ang mga gamit at nagpahinga… Gumawa na kami ng plano…
“Tita, tumawag po ang ospital… Kelangan daw ako magduty para sa nightshift mamayang 11pm, kasi po may absent sa amin…” Palusot ko nang lapitan ko si Tita sa kusina.
“E pano yan? Ikaw lang ba uuwi? Ok lang yun dahil malaki ka na pero may dala ka bang payong para sa ulan?”
“Aah… Meron po…”
“Kung uuwi po ako, kelangan kasama ko po si Jing dahil ako nagpaalam sa parents nya… Strict kasi parents niya baka magalit sa akin…” Isang palusot uli para lang makaalis kami lahat dito…
“E pano si Farah?”
“Sasabay na rin po… Sabay po kasi kami pumunta rito eh…”
“Kasi ba naman ung work mo eh… Ngayon mo lang sinabi…” Lumapit si Raf at nag-play along…
Habang kinakausap ko si Tita… Nahalata ko na umiisip din ito ng paraan para pigilan kami… Iniiba ang topic… Iniwan ko na si Raf habang kausap si Tita… Lumapit narin sa amin si Raf…
“Oh… Ano daw?”
“Kayong dalawa nalang umuwi… Maiiwan ako…” Sabi ni Raf…
“Ok lang ba sayo?” Tanong ko kay Raf…
“Okay lang…” Malungkot na sagot ni Raf…
Di ko kayang iwan si Raf mag-isa… Kahit naman sino sa aming tatlo ay ayaw makitulog dito… Di kasi kami kumportable… At sa kondisiyon ni Raf, palala ng palala ang sipon niya at sumasabay na rin ang ubo. Kawawa si Raf sa kondisiyon niya…
“Oh! Anong gagawin natin?” Isang tanong na umiikot at nagpapasa-pasahan sa aming tatlo… Mahirap magdecision ngayon… Kung uuwi agad kami, si Raf ang maiiwan… Ayoko ng ganyan! Di ako nag-iiwan ng kaibigan sa ere… Di kaya ito ng konsensya ko pag iniwan ko si Raf…
“Hindi, hindi ka namin iiwan… Sasamahan ka namin… Sabay tayo pumunta dito, sabay tayo uuwi…” Sabi ko kay Raf…
“Thanks…” Mahinang sagot ni Raf sa amin ni Jing…
Ayun pala! Eto pala ang rason kung bakit di kami pwedeng umuwi at si Raf lang atleast maiiwan… Pinapunta kami rito para mag-bantay ng bata habang sina Tita ay mag-aatend Ball… Wala ito sa plano namin… Pumunta kami dito para mag-attend ng Ball hindi para mag-babysitting… Nalaman ko lang ito nang sabihin sa akin ni Raf na di tayo pupunta sa Ball… Dumayo kami ng ganung kalayo para lang mag-babysit?
Mga 5 o 6pm, nagpaalam na sa amin si Tita… Kami na daw ang bahala sa mga bata… Ang hirap alagaan ang mga ito… Magugulo, iyak dito, iyak doon… Takbo dito, takbo doon… Kung di ako nagkakamali medyo spoiled ang mga ito… Ganun din ata ako nung ako’y bata pa… Hehee…
Habang andito ako nakihiram na rin ako ng banyo para maligo para ayusin ang sarili ko… Busy parin sina Raf at Jing sa pag-aalaga ng bata… Ganun pa rin kagulo ang mga bata… Hanggang sa dinner… Makikita hinahabol ng mga yaya ang mga bata para paka-inin habang kumakain kami ni Jing at Raf sa kusina… Mahirap patahimikin, mahirap patulugin at mahirap pakainin…
Nangmakatiyempo kami, lumabas kami sa bahay… Umupo sa may gilid habang kumukuha ng signal sa cellphone… Dito nakakuha kami ng panahon para sa sarili namin… Sa oras na ‘to, wala na ang ulan… Ngunit pabugso-bugso ang biglaang pagbuhos tapos bigla din hihinto parang may dumidilig…
Nang makatyempo ako ng signal, tinext at tinawagan ang mga kaibigan ko… Mag-isa lang ako sa labas ng bahay… Maaaninag ang dilim ng hi-way sa labas ng bahay at mga rumaragasang tanker… Nakakalungkot ang oras na ito habang umiihip ang malamig na hangin… Di mawala sa isip ko ang importanteng tao sa aking buhay… Nilabas ko sa bulsa ang Rosary niya…
“Andito ka sana…” Sabay halik sa Cross…
Lumabas na rin si Raf, para kumuha ng signal… Lumapit na rin si Jing at pinasahan ako ng quotes sa text… Kung iniwan namin si Raf, mahihirapan siya lalo dahil sa ubo at sipon niya… Kinakabahan ako na baka tuluyan siyang magkasakit… Wag naman sana…
Nang isa-isa nang natutulog ang mga bata… Tumahimik na rin ang paligid… Nakinuod na rin ako ng TV… Niyayaya akong pumasok sa aircon na kuwarto at doon ako matulog… Tinanggihan ko sila… Di kasi ako kumportable sa kanila… At sa sala lang ako nanuod ng TV… Si Jing at Raf nasa kuwarto na at malamang natutulog na…
Bumalik sina Tita mga 12 ng gabi. Kinamusta ko kung ano nangyari sa party at nagkuwento naman ang anak niyang lalaki… Pinapapasok uli ako sa kuwarto… Sinabi kong manunuod muna ako ng TV… Palusot ko ito dahil hindi talaga ako naging kumporable sa kanila… Masgusto ko pang matulog sa sala…
Naka-usap ni Tita si Raf na aalis kami mamayang 2am… May tinawag na daw silang tricycle para sunduin kami… Napilitan akong pumasok sa kuwarto… Pagdating sa loob di nagtagal ay andito na raw ang tricycle na maghahatid sa amin sa waiting shed… Lumabas agad ako at nag-ayos ng gamit… Paos na ang boses ni Raf nang lumabas siya para ayusin ang kanyang gamit... Wag sana siyang trangkasuhin…
Pagkatapos namin ayusin ang mga gamit tsaka kami lumabas ng bahay… Sasabay daw ang anak niyang lalaki sa amin. Nagpaalam kay Tita at umalis na kami. Bahagyang umaambon at umiihip ang malakas na hangin nung nasa tricycle na kami. Madilim ang paligid. Halos walang dumadaan na sasakyan…
Sa waiting shed, habang hinihintay ang bus papuntang Maynila… Biglang bumuhos ang ulan na kanina ay pabugsu-bugso lang… Inabutan kami ng halos 30 minutes sa kaaabang ng bus. Dumating na ang bus bound to Manila… Nagmamadali kaming sumakay. Nauna na si Jing at biglang may napansin akong nahulog mula sa kanya… Pinulot ko yun at binigay sa kanya pagkaupo ko sa bus… Relo niya ito… Mahalaga ang oras sa isang tao… Pag-uwi ko ng Maynila may halos 10 hours pa ako para sa susunod kong duty… Di ako dapat mahuli…
Bumaba ang anak ni Tita sa may monumento ng mga sundalo… Natulog kaming tatlo sa bus… Nagpapahinga ng mabuti para manumbalik ang nawala naming lakas… Pagod na kami sa biyahe… Halos tatlong gabi na kami di makatulog ng mabuti dahil sa pagmamadali…
Dumating kami sa Maynila ng mga 5am ng umaga… Sa Edsa-Taft-Pasay kami bumaba sumakay si Jing sa jeep at ako naman sa Taxi… Umaga na at marami nang tao sa lugar na yon… Nakarating ako sa bahay ng 5:30am… Siguradong pagod na sina Raf at Jing, malamang matutulog muna sila pagdating sa bahay… Natulog na ako para sa duty ko mamaya…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home