Sunday, July 01, 2007

Tanaw Ko Ang Istasiyon Ng Tren

(Repost from friendster dated June 11, 2007)

"Tak, tak, tak, tak..." Tunog ng baril na kumakasa sa TimeCrisis sa loob ng Timezone.
Padami ng padami ang mga taong nanunuod... Nang biglang nagvibrate ang cell...
"Parating na ko."
Medyo matagal tagal pa ang ginugol na oras para tapusin ang game... Pero di niya ito tinapos paubos na rin ang load sa card...
"Asan ka na?"
"Andito ako sa food choices."
Di nagtagal nagkita na sila...
"Kamusta na?"
"Okay lang. Di ko pa tinapos ang enrollment di pa ako nagpapapicture para sa bagong ID"
Napaupo sila sa table malapit sa table kung saan una silang nagkita.
"Gagawin natin? Late na rin e. Di ako pwede after 7."
"Yeah, 'lam ko. Eto nga pala mga picture sa outing. Hanapin mo nga ung ibong jan. hehe..."
"Eto ba? Ung nasa langit? O ano? Dinner nalang?"
"Yup. Saan tayo?"
"Kaw?"
"May alam ako sa labas wala dito sa loob."
"Bili muna tayo ng choco-caramel roll."
Nilibot nila ang mall para lang hanapin ung roll... Sa wakas nahanap din...
"Slice of the day: choco-caramel roll"
"E di pwede yan para sa mga meals nila yan e..."
"Ganun? E di ung half roll nalang..."
Pumila na sila at binili ang choco-caramel roll. Di pa niya sinubukang kumain niyan pero mukhang gustung-gusto ng kanyang kasama...
"San na tayo?"
"Dito tayo dumaan..."
"Ay... wait dito nalang tayo... Gusto ko ng Mojos!"
"Spaghetti, mojos, at pizza... at ice tea..."
Habang hinihintay ang mga order hiniwa na nila ang choco-caramel roll... Tig-iisa sila ng slice...
"Masarap?"
"Um... Okay... Okay naman ang timpla..."
"Eto! Eto ang pinakafavorite ko!"
After ng dinner, dumeretso na sila sa sakayan...
"Oops! Teka bibili muna ako ng pammasahe..."
"Uy! Teka P100 na damit!"
"Nu bagay sakin?"
"Brown."
"Tara na nagtext na si mama hinahanap na ako..."
"Sige samahan kita sa sakayan..."
Sa sakayan... Dito nagsimula ang unang away ng dalawa may isang taon nang nakakaraan... Sa bangko malapit sa check point papasok sa carpark, may napansin silang magnobyong nakaupo... Bumalik ang nakaraan...
"May sasabihin lang ako sa iyo..." Sabay upo... Sa isang napakaseryosong tono... Sabay labas ng isang picture...
"Anak ko to." Kasama ng isang seryosong titig...
"Oh? Anak mo?" Isang malamig na tanong...
"Oo..." Sabay tango...
Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin... Mahal na mahal niya ang babaeng iyon... Sa loob ng fx... Nakahawak parin ang kanilang kamay...
"Oh...? Bakit ka tulala? Siguro sa sinabi ko kanina no? Pamangkin ko yon..."
"Please... Ayokong magkamali..." Mahinang bulong habang nakasandal ang pisngi sa mahabang buhok...
Nagpaalam na nang maihatid na niya sa sakayan ng tricycle... Pagbaba sa estasyon ng tren, tinext niya ito...
"It wasn't a nice joke." Mahal niya ung girl... Mahal na mahal... Di niya talaga alam kung ano ang sasabihin niya sa kanyang parents kung totoo nga ang sinabi... Tatanggapin nila ang girl o hindi... Ang alam lang niya mahal niya ang babaeng iyon... Kahit anong mangyari ipaglalaban niya ito... Nagtext back ang girl...
"Bakit kung may anak na ba ako di mo na akong mahal?"
Hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin... Ito na ang unang away nila... Habang ang isang kamay ay hawak ang rosaryong kabibigay lang sa kanya...
"Mahal ko siya kahit anong mangyari..." Ito ang tanging bulong niya sa sarili...
"Oy! Magbayad na kayo? P20..." Sigaw ng isang taga-singil sa may sakayan...
"Eto may 40 ako..."
"Wag na! wag mo na ako ihatid..."
"Sige... Mag-iingat ka ha..."
"Mahal kita..."
"Lam ko..."
"Tignan natin kung ano mangyayari sa atin... After 1yr..."
Sa katagang yon... Napatingala siya... Sa kanyang posisyon, natatanaw niya ang maliwanag na buwan na isa sa mga bagay na nagbibigay liwanag... At sa paghawak niya sa kamay tanaw niya ang istasiyon ng tren na pinanggalingan at saksi sa mga pangyayari...
"Text mo ko pag-uwi mo..."
"Oo..."

Checkmate

(Repost from friendster dated Jan. 21, 2007)

"Dapat marunong kang dumiskarte!" Yan palagi ang sinasabi sa akin ng supervisor ko tungkol sa takbo ng buhay...
Sa lahat ng klaseng laro di ako marunong dumiskarte ng maayos. Ewan ko ba kung bakit ganyan...? Isa sa mga laro ng buhay ay ang pag-ibig. Sa tingin ko eto na ang pinakasikat na laro sa mga tao...
Bakit naman mahirap dumiskarte? Mahiyain daw kasi ako... Pag may problema sa isang relationship tinitignan ko muna kung saan ako nagkamali bago gumawa ng galaw... Pero sabi nila di na natin kailangan pang mag-isip basta tira ka ng tira parang chess... Pag nacorner tsaka ka gagawa ng mga fork na chess move...
Siguro nga, sobrang bait ko na para abusuhin ako ng iba... Dahil hangga't maaari ayoko magpahiya ng tao...
Mabuti may mga friends ako na gumagabay sa mga galaw ko... "Arol, it's better to change your number..." Change my signature move so they can't read my move...
"Don't worry lahat tayo di sigurado..." I really hope life was this easy and predictable... I wish I could find her or atleast she could realize how important she is to me...
Life was pure and honest but sometime it is very tricky to play with... Forget the past and keep moving!!! Thanks guys!!

Me In The Old Year

(Repost from friendster dated Jan. 1, 2007)

Ok! Let's see what happened this year to my life and what changes me... Let' s play back the old video of life...
January: 2nd time after two years, I'm with my friends again! Attended my friend's wedding. Have my 16days VL. Make over.
February: Have my Valentines Day celebrated at the UP fair.
March: Attended BFAD seminar. Surviving a harsh reality of life.
April: Work. Work. Work... Aalis na ako... My Brother got hospitalized
May: A big catastrophe in someone's life happened. I met someone whom I fell in love with. Dated and Enjoyed my moments. Tripple OT at work.
June: Had my 21days VL. Celebrated tripple birthday with my barkada. Things started to fall apart. Emotionally unstable. Watched the I-MAX movie of Superman Returns.
July: Have my 3days 2nights road trip adventure with my barkada. Things are really terribly wrong. Emotional unstable. Physically exausted. Advice and support just kept me from falling apart.
August: Planning for Baguio Trip but failed.
September: Officially end a big promise to someone. Planning for Baguio Trip again and failed again due to Typhoon Milenyo.
October: Requested a 5days consecutive day-offs. Planning for Baguio Trip again but failed again, instead held a party with my barkadas. Give myself enought time for soul searching. Answers found. Emotionally still unstable...
November: Spent Nov1 at my room sleeping. Working OT. Had a big problem with my work. Won the case.
December: Working overtime for extra mpney. Christmas shopping. Spent UST Paskuhan with my other barkada. Office Christmas Party. My friends's sister's pet just passed away.
For this year's event I thank God for guiding me... I know everything happens for a reason and everytime I try to change things I can feel that He is controlling the situation... That's why I've learned to trust Him for He is my shepard...
Let's just pray things will be getting more interesting in year 2007, and more adventure to come... Let the past be past and the future to shape our lives... May God be with us!
HAPPY NEW YEAR!!!! WELCOME 2007!!!!

Isang Araw, Isang Taon

Sa loob ng isang taon marami nang nangyari sa buhay namin... Maraming pagbabago sa loob lamang sa isang taon... Parehong kinunan ang mga litratong ito sa iisang araw ngunit sa ibang taon... Lahat sila mga matalik kong kaibigan at kabarkada...
May mga nagmemedicine, may mga nagkaroon ng bagong trabaho... May mga bago kaming nakilala, may mga leksiyon kaming natutunan sa bawa't pangyayaring naganap sa amin... May mga love life na gumanda, may mga love life na napunta lang sa wala... Sa tawa at iyakan... Sa hirap ng paglalakbay sa paghahanap ng kasagutan, sa harap ng kalamidad ay magkakasama kami...
Nasaksihan ko ang mga pangyayaring nagbago sa amin... Magkasama kami masaya man o malungkot, may problema o wala... Sino ang makapagsasabi kung ano ang maging kapalaran namin sa mga susunod na taon? Nagpapasalamat ako sa kahit anong gulo o sayang pinasok namin di kami pinabayaan ng Gabay sa Langit... "Lord, sana po sa susunod na taon matupad po mga pangarap namin at mga munting kahilingan sa buhay... Amen..."

Liwanag Sa Dilim

(Repost from friendster dated Nov. 1, 2006)

Isang estudyante si Harold sa isang sikat sa unibersidad… Sa kanyang senior year may nakilala siyang junior, si Katrina… Minsan, sabay sila pumapasok at umuuwi… Di nagtagal nalaman ni Harold na may boyfriend na pala si Katrina at naging magkaibigan sila sa school…
Pagkalipas ng ilang buwan biglang nag-absent si Katrina. Di alam ni Haraold ang dahilan ng kanyang pag-aabsent ng halos isang linggo… Nag-tanong na si Harold sa kaklase niya.
“Namatay ang boyfriend niya…”
Laking gulat nalang si Harold sa narinig niya… Hinintay niyang bumalik si Katrina sa klase at tsaka niya kina-usap… Mangiyak-iyak at maluha-luha si Katrina habang ikinukuwento ang nangyari…
Ikinuwento ni Harold ang nangyari sa kabarkada niya para humingi ng advice.
“Pare, nadiyaryo ata yan ah… Lukemia ata ang cause!”
Natutong alagaan ni Harold si Katrina… Tinutulungan niya ito sa mga assignments at paminsan-minsan pinapatawa niya si Katrina sa mga jokes… Lumambot ang puso ni Harold, minahal niya si Katrina…
Isang gabi, nanaginip si Harold. Sa hallway ng school na malipat sa registrar, nakasandal si Harold sa isang poste. Favorite spot ito ni Harold kung wala siya sa klase… Tambayan niya ito dahil sa paglingon lang niya ay makikita na ang mga puno sa loob ng building at mahangin pa dito…
Lumapit si Katrina…
“Harold, magpapaalam lang ako sayo kasi nakapagschedule na ko ng operation… May bukol ako… Delikado daw ang procedure sabi ng doctor…”
Biglang may bumulong kay Harold, isang aninong lalaki na di niya nakikita ang mukha…
Sa isang seryosong tinig:
“Alagaan mo siya ng mabuti… Kundi isasama ko siya!” Utos ito ng anino… Sa paniniwala ni Harold bulong ito ng boyfriend niyang namatay na…
Balisang-balisa si Harold na bumangon sa
kamaat napaisip…
Kinabukasan kinausap ni Harold si Katrina…
“Trina, ok ka lang ba? Wala ka bang nararamdaman o…?”
“Wala naman… Uhm… Bakit?”
“Wala, nag-aalala lang kasi ako…”
“Harold, sa totoo lang nagpaschedule na ako last week for appendectomy pero di natuloy kasi nawala na ung sakit…”
Nagulat si Harold sa narinig niya kay Katrina… Pinagpawisan siya ng malamig… Totoo ang panaginip! Isa itong bilin ng kanyang boyfriend…
“Kasi nanaginip ako, may binilin sakin ang boyfriend mo… Alagaan daw kita…” Alam ni Harold pag totoo ang sinabi niya kay Katrina siguradong matatakot ito…
Di nagtagal, matapos ang school year na ito… Nagtapat si Harold kay Katrina…
“Harold, sorry, di pa ako nakakapagrecover sa nangyari… Alam mo na di ba?”
“Yah, alam ko… Sige, ok lang, hihintayin kita ng isang taon…”
Tinupad ni Harold ang kanyang binitawang salita… Suot niya ang isang bond ring sa kanyang kaliwang kamay bilang pangako… Ngunit, di sila nagkatuluyan ni Katrina…
I would like to dedicate this story to one of my friend… And someone above us! May God be with us… Happy Halloween!

Alipin (Inspired from the Song by Shamrock)

(Repost from friendster dated Nov. 1, 2006)

Maliwanag ngayong gabi… Naniningning ang mga tala… Sa isang parte ng Maynila, sa kahabaan ng LRT. May tumatakbo na kotseng papuntang ospital… Bumaba ang isang lalaking nakajacket na itim… Umakyat sa gate at pumunta sa lagayan ng mga time card…
“Oi… Pasok na sir?”
“Oo… Pasok na…” Sabay punch sa bandy clock.
10:39ang nakapunch.
“Hey, nightshift ba?” Tanong ng isang orderly ng isang nursing station na nasalubong sa isang matahimik na hallway…
“Yup, night…”
Binuksan ang pintuan ng opisina at pumasok…
“Aga ng mga night natin ah…”
Di kumibo ang lalaki kundi ngumiti lamang…
“Sige ah. Time na. Bye bye na… Wala na kami ieendorse…”
Oras na para magtrabaho… Simula na naman ang mahaba at tahimik na night duty… Umpisa na naman ang kalbaryo… Mahahaba ang mga resetang binaba ng mga nurse… Nakakapagod, nakakangawit at nakakatamad…
Pagkatapos ng apat na oras na kuhaan ng mga gamot… Natutulog na ang ibang mga kasama sa opisina… Kumuha siya ng isang bowl na cup noodle sa locker… Tinimplahan at nagpapainit… Biglang tumunog ang cel… May text…
“Tawag ka…” Mula ito sa babaeng minamahal niya…
3amnun… tulog na ang mga tao sa opisina… Siya lang ang gising at nakajacket dahil malamig na ang temperature… Dinayal ang numero…
“Hello… Kamusta?”
“Ok lang… Ano na ginagawa mo?”
“Kumakain ng cup noodles… Tulog na ang mga kasama ko… Ako nalang ang naiwang gising… Ba’t ka nga pala gising ng ganong oras?”
“Ako lang naiwan dito ngayon sa bahay… Kaya pinatawag kita… Hinatid kasi nila si Kuya…”
“Ganon ba?”
Biglang tumugtog ng Alipin ang radio sa loob ng opisina…
“Tumutugtog na naman ng Alipin ang radio…”
“Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sanaay iyong naririnig
Sayong yakap ako’y nasasabik”
Sinabayan nila ang kanta… Sa isang tahimik na sandali sa gabi ng duty… Walang tao… Kundi siya lang at ang kausap niya sa kabilang linya… Kahit sandali lamang nagkaroon sila ng oras para sa isa’t-isa… Nakapagsolo sila kahit sa di inaasahang paraan… Sabay nilang kinanta ang mga linyang…
“Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sanaay iyong naririnig
Sayong yakap ako’y nasasabik
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko
sanaiparating na ikaw lamang
Ang siyang aking iibigin”
“Hhmm… Hehehe…” Sabay silang napatawa at napangiti…
“Salamat ha… Sinamahan mo ko ngayong gabi… Miss na kita…”
“Kaw pa malakas ka sa akin eh…”
“I love you…”
“hmm… hehe… Sige na andito na ata sila… Baka mapagalitan ako… Bye…”
“Bye… Muwah… Good night uli…”
Saksi ng telepono ang tagpo… Mga pabulong na salita… Mga tahimik na ngiti… Nakakapagpaluwag ng loob… Nakakapagkalma ng damdamin… Mga pahayag na may malalim na kataga… Kasing epektibo ng tulog na humigit pa sa walong oras… Sa isang panatag na gabi nagkatagpo muli ang mga nilalang pinagtatagpo ng tadhana…
Alipin by Shamrock
Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malaboman ang aking pag-iisip
Sana’y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin
Chorus:
Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sanaay iyong naririnig
Sayong yakap ako’y nasasabik
Ayoko sa iba
Sayo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso’t pusa
Giliw sa piling mo ako ay masaya
chorus
coda:
Pilit mang abutin ang mga tala
Basta’t sa akin wag kang mawawala
Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sanaay iyong naririnig
Sayong yakap ako’y nasasabik
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko
sanaiparating na ikaw lamang
Ang siyang aking iibigin
This song will always be dedicated to those who were met by the Angel of Destiny… Hope you enjoy this short story… Happy reading!

Bad Trip (Episode: 3 MAAP Ng Bataan)

Sa madilim na hi-way rumaragasa ang mga mabibilis na sasakyan. Sa bus na sinasakyan namin, mapapansin na halos lahat ng mga pasahero dito ay tulog. Pinatay na ng driver ang ilaw sa loob ng bus... Umuulan pa rin sa labas di nagbabago ang hugis ng mga patak ng ulan… Ganun pa rin ang buhos, ganun pa rin ang lakas…
Mga 4:30am nakarating na kami sa Sison, Panggasinan Victory Liner Bus Stop. Dito kami bumaba at nag-abang ng bus na papuntang Olonggapo… Wala pa ang bus… Umupo muna kami sa mga bakanteng bangko na nakahilera sa tabi ng isang bakanteng restaurant… Maririnig ang mga tugtog ng radio sa isang speaker… Malamig ang hangin na nanggagaling sa hi-way at pumapatak pa rin ang ulan…
Tumuloy muna ako sa meriendahan ng bus stop. Walang ang taong nagbabantay dito… Mamaya-maya, dumating ang isang bus bound to Baguio at huminto dito… Nagsibabaan ang mga pasaherong gusting magbreak… Lumabas na rin sa wakas ang nagbabantay sa tindahan… Nag-order ako ng isang chicken mami. Malamig kasi ang panahon at medyo gutom na rin ako… Binalikan ko sina Raf at Jing na naka-upo pa rin sa bangko nag-hihintay ng bus…
Pagkaraan ng ilang saglit, dumating ang isang bus na bound to Olonggapo… Sumakay na kami dito… Regular bus lang ito, walang aircon… Medyo matagal ang paghihintay nila sa pasahero… Umalis na rin ang bus sa bus stop nang medyo nasisilaayan ko na ang sikat ng araw…
Dito, sa loob ng bus kami natulog… Pikit na ang mga mata nina Jing at Raf… Pagod na rin siguro sa biyahe… Pumikit na rin ako… Pagod na pagod na rin ako… Wala pa kasi kaming pahinga, palagi kaming nagmamadali… Pagdilat ng mata, mataas na ang araw… Nasa Tarlac na kami… Paputol-putol ang tulog namin sa bus…
Nakabalik uli kami sa unang bus stop ng biyahe namin mula Manila papuntang Baguio… Bumaba uli ako para bumili ng makakain… Bumaba rin sina Jing at Raf… Sa oras na ito naalala ko birthday pala ngayon ni Joyce…
Si Joyce, isa sa mga tinuring kong tapat at tunay na kaibigan… Nakilala ko siya sa Organization Room, member ng Debate Society… Kaklase siya ni Floyd, Chief Academic Head ng Scholia at si Floyd ang boss ko nung nag-academic head ako… May isang insidente nung kami ay nagrereview pa sa board na makapagsasabi na totoong kaibigan talaga si Joyce…
Tinext ko siya at ginirit ng happy birthday… Pagkatapos ng ilang oras nakarating na kami sa Pampangga… Tinext ko uli siya… Ang pagkakaalam ko kasi nag-tatrabaho siya sa Manson Drug sa Pampangga… Di siya nakapagreply malamang nasa work na siya…
Di na kami bumaba sa bus station dito sa Pampangga… Aalis na daw ang bus oras na mapuno ito ng pasahero… Di nagtagal umandar na ang bus puno na ito ng mga pasahero… Inaantok pa rin kami… Paputol-putol pa rin ang tulog namin… Nadaanan namin ang SM Pampangga. Deretso sa hi-way… Mapapansing iba na ang frequency ng radio ng bus… Familiar na sa akin mga istasiyon na ito… Ibig sabihin malapit lang ito sa Manila at sa Manila nanggagaling ang frequency na ito… Di nagtagal sa hi-way, muling bumuhos ang ulan malalaki ang patak nito at palakas ng palakas… Di na ito tumigil at tuloy-tuloy na ito hanggang nakarating kami sa Bataan…
Nagpalit kami ng bus nangmakarating kami sa isang monumento ng mga sundalo… Malakas pa rin ang ulan at bumubuhos… Basang-basa uli kami kahit na may dala na kaming payong… Pinara namin agad ang dumating na bus papuntang Mariveles, Bataan... Dito sa loob ng bus ako nakatulog ng mahimbing… Siguro mga dalawang oras ang tulog ko dito… Ginising nalang ako ni Jing ng makarating na kami sa compound papuntang MAAP… Malakas pa rin ang ulan… Basa uli kami… Nag-tricycle kami papuntang Acadamy…
Pagdating namin doon, kinontak agad ni Raf ang kakilala nilang kadeteng gagraduate sa araw na ‘to… Sa gate palang, di na ako masyadong komportable… Di dahil di ko alam ang lugar na ito kundi naalala ko ang mga pinagdaanan ko nung nag-a-ROTC ako sa UST at Fort Bonifacio habang nakikita ko ang mga kadeteng naka-detail at nagdidrills sa loob at labas ng building… Ayoko nang maalala pa ang mga nangyari at mga pinagawa sa amin nung ako’y nag-a-ROTC… Alam ko ang hirap at ang pinagmamalaki nilang “Dicipline” para sa mga kadete… Siguro ang ROTC ay tikim palang sa amin… Ngunit siguradong masmaraming pahirap at diciplina pa dito…
Babae ang kakilala nilang kadeteng gagraduate dito… Nilibot namin ang mga kuwarto dito kasama ang mga parents ng mga gagraduate na kadete… Di ako kumportable sa lagay na ito… Habang nakikita ko ang isang kasama namin na kamukha ng naging officer ko nung nag-a-RO pa ako...
All I did is just play along with them like it’s nothing to me… Acting like I’m comfortable with them… It’s not because I’m afraid of military men or something… It’s just I hate the feeling of seeing those cadets doing those “SOP’s” and “discipline” thing in front of my eyes…
1pmna, gutom na kami… Wala kaming makakainan… Nakikain nalang kami sa kumare ng parent ng gagraduate kasama ang kanilang anak at pamilya… Di ako manhid, nararamdaman ko rin ang di pagkakumportable nina Jing at Raf… Sa oras na ito, mahina na ang ulan… At umiihip na ang malamig na hangin...
Pagkatapos naming kumain at paalis na kami sa MAAP… Nag-salita na si Jing… Ayaw niyang makitulog sa kanila… Alam ko kung bakit, kahit di niya ito sabihin nararamdaman ko ang rason… Si Raf gusto na ring umuwi… Gusto ko na rin umuwi pero depende sa mga magaganap dapat marunong akong mag-improvise ng mga pangyayari…
“Lord, ano po ang dapat namin gawin…?” Nakatingala ako sa langit… Biglang umihip ang hangin na parang sinagot na ni Lord ang tanong ko, tsaka biglang umambon…
“Parang gusto na tayong pauwiin ni Lord…” Sabi ko kina Jing at Raf… Pareho kaming nagkasundo na umuwi na ng Maynila…
May tinayo daw bahay ang kumare ni Tita, malapit sa Acadamy. Dun daw kami makikitira… Nakakahiya sa ibang tao ang gagawin namin… Sino ba kami para makitira sa bahay ng ibang tao samantalang guests lang kami ng isang nakikitira? Ewan ko ba…
Nagplano na kami ng palusot habang nasa tricycle para maka-uwi na kami agad… Ayaw na namin tumuloy sa bahay na yon… Nakikita ko na kina-Raf at Jing ang pagtanggi… Lalaki ako, kelangan kong gumawa ng paraan para makaalis agad kami…
Pagdating namin sa bahay ng kumare ni Tita... Pumasok na kami sa loob… Nilapag ang mga gamit at nagpahinga… Gumawa na kami ng plano…
“Tita, tumawag po ang ospital… Kelangan daw ako magduty para sa nightshift mamayang 11pm, kasi po may absent sa amin…” Palusot ko nang lapitan ko si Tita sa kusina.
“E pano yan? Ikaw lang ba uuwi? Ok lang yun dahil malaki ka na pero may dala ka bang payong para sa ulan?”
“Aah… Meron po…”
“Kung uuwi po ako, kelangan kasama ko po si Jing dahil ako nagpaalam sa parents nya… Strict kasi parents niya baka magalit sa akin…” Isang palusot uli para lang makaalis kami lahat dito…
“E pano si Farah?”
“Sasabay na rin po… Sabay po kasi kami pumunta rito eh…”
“Kasi ba naman ung work mo eh… Ngayon mo lang sinabi…” Lumapit si Raf at nag-play along…
Habang kinakausap ko si Tita… Nahalata ko na umiisip din ito ng paraan para pigilan kami… Iniiba ang topic… Iniwan ko na si Raf habang kausap si Tita… Lumapit narin sa amin si Raf…
“Oh… Ano daw?”
“Kayong dalawa nalang umuwi… Maiiwan ako…” Sabi ni Raf…
“Ok lang ba sayo?” Tanong ko kay Raf…
“Okay lang…” Malungkot na sagot ni Raf…
Di ko kayang iwan si Raf mag-isa… Kahit naman sino sa aming tatlo ay ayaw makitulog dito… Di kasi kami kumportable… At sa kondisiyon ni Raf, palala ng palala ang sipon niya at sumasabay na rin ang ubo. Kawawa si Raf sa kondisiyon niya…
“Oh! Anong gagawin natin?” Isang tanong na umiikot at nagpapasa-pasahan sa aming tatlo… Mahirap magdecision ngayon… Kung uuwi agad kami, si Raf ang maiiwan… Ayoko ng ganyan! Di ako nag-iiwan ng kaibigan sa ere… Di kaya ito ng konsensya ko pag iniwan ko si Raf…
“Hindi, hindi ka namin iiwan… Sasamahan ka namin… Sabay tayo pumunta dito, sabay tayo uuwi…” Sabi ko kay Raf…
“Thanks…” Mahinang sagot ni Raf sa amin ni Jing…
Ayun pala! Eto pala ang rason kung bakit di kami pwedeng umuwi at si Raf lang atleast maiiwan… Pinapunta kami rito para mag-bantay ng bata habang sina Tita ay mag-aatend Ball… Wala ito sa plano namin… Pumunta kami dito para mag-attend ng Ball hindi para mag-babysitting… Nalaman ko lang ito nang sabihin sa akin ni Raf na di tayo pupunta sa Ball… Dumayo kami ng ganung kalayo para lang mag-babysit?
Mga 5 o 6pm, nagpaalam na sa amin si Tita… Kami na daw ang bahala sa mga bata… Ang hirap alagaan ang mga ito… Magugulo, iyak dito, iyak doon… Takbo dito, takbo doon… Kung di ako nagkakamali medyo spoiled ang mga ito… Ganun din ata ako nung ako’y bata pa… Hehee…
Habang andito ako nakihiram na rin ako ng banyo para maligo para ayusin ang sarili ko… Busy parin sina Raf at Jing sa pag-aalaga ng bata… Ganun pa rin kagulo ang mga bata… Hanggang sa dinner… Makikita hinahabol ng mga yaya ang mga bata para paka-inin habang kumakain kami ni Jing at Raf sa kusina… Mahirap patahimikin, mahirap patulugin at mahirap pakainin…
Nangmakatiyempo kami, lumabas kami sa bahay… Umupo sa may gilid habang kumukuha ng signal sa cellphone… Dito nakakuha kami ng panahon para sa sarili namin… Sa oras na ‘to, wala na ang ulan… Ngunit pabugso-bugso ang biglaang pagbuhos tapos bigla din hihinto parang may dumidilig…
Nang makatyempo ako ng signal, tinext at tinawagan ang mga kaibigan ko… Mag-isa lang ako sa labas ng bahay… Maaaninag ang dilim ng hi-way sa labas ng bahay at mga rumaragasang tanker… Nakakalungkot ang oras na ito habang umiihip ang malamig na hangin… Di mawala sa isip ko ang importanteng tao sa aking buhay… Nilabas ko sa bulsa ang Rosary niya…
“Andito ka sana…” Sabay halik sa Cross…
Lumabas na rin si Raf, para kumuha ng signal… Lumapit na rin si Jing at pinasahan ako ng quotes sa text… Kung iniwan namin si Raf, mahihirapan siya lalo dahil sa ubo at sipon niya… Kinakabahan ako na baka tuluyan siyang magkasakit… Wag naman sana…
Nang isa-isa nang natutulog ang mga bata… Tumahimik na rin ang paligid… Nakinuod na rin ako ng TV… Niyayaya akong pumasok sa aircon na kuwarto at doon ako matulog… Tinanggihan ko sila… Di kasi ako kumportable sa kanila… At sa sala lang ako nanuod ng TV… Si Jing at Raf nasa kuwarto na at malamang natutulog na…
Bumalik sina Tita mga 12 ng gabi. Kinamusta ko kung ano nangyari sa party at nagkuwento naman ang anak niyang lalaki… Pinapapasok uli ako sa kuwarto… Sinabi kong manunuod muna ako ng TV… Palusot ko ito dahil hindi talaga ako naging kumporable sa kanila… Masgusto ko pang matulog sa sala…
Naka-usap ni Tita si Raf na aalis kami mamayang 2am… May tinawag na daw silang tricycle para sunduin kami… Napilitan akong pumasok sa kuwarto… Pagdating sa loob di nagtagal ay andito na raw ang tricycle na maghahatid sa amin sa waiting shed… Lumabas agad ako at nag-ayos ng gamit… Paos na ang boses ni Raf nang lumabas siya para ayusin ang kanyang gamit... Wag sana siyang trangkasuhin…
Pagkatapos namin ayusin ang mga gamit tsaka kami lumabas ng bahay… Sasabay daw ang anak niyang lalaki sa amin. Nagpaalam kay Tita at umalis na kami. Bahagyang umaambon at umiihip ang malakas na hangin nung nasa tricycle na kami. Madilim ang paligid. Halos walang dumadaan na sasakyan…
Sa waiting shed, habang hinihintay ang bus papuntang Maynila… Biglang bumuhos ang ulan na kanina ay pabugsu-bugso lang… Inabutan kami ng halos 30 minutes sa kaaabang ng bus. Dumating na ang bus bound to Manila… Nagmamadali kaming sumakay. Nauna na si Jing at biglang may napansin akong nahulog mula sa kanya… Pinulot ko yun at binigay sa kanya pagkaupo ko sa bus… Relo niya ito… Mahalaga ang oras sa isang tao… Pag-uwi ko ng Maynila may halos 10 hours pa ako para sa susunod kong duty… Di ako dapat mahuli…
Bumaba ang anak ni Tita sa may monumento ng mga sundalo… Natulog kaming tatlo sa bus… Nagpapahinga ng mabuti para manumbalik ang nawala naming lakas… Pagod na kami sa biyahe… Halos tatlong gabi na kami di makatulog ng mabuti dahil sa pagmamadali…
Dumating kami sa Maynila ng mga 5am ng umaga… Sa Edsa-Taft-Pasay kami bumaba sumakay si Jing sa jeep at ako naman sa Taxi… Umaga na at marami nang tao sa lugar na yon… Nakarating ako sa bahay ng 5:30am… Siguradong pagod na sina Raf at Jing, malamang matutulog muna sila pagdating sa bahay… Natulog na ako para sa duty ko mamaya…

Bad Trip (Episode 2: Reunion Sa La Union) Conservative Version

Tama si Jing, nakakatakot nga bumaba ng Baguio kapag umuulan… Nakikita sa gilid ng bus ang malalim na bangin sumasabay ang mga makakapal na fog sa malalakas na ihip ng hangin at walang hinto ang pagbuhos ng ulan…
Nasa ibaba na ba kami ng bundok? Hindi pa… Hindi pa… Malayo pa ang lalakbayin ng bus upang makababa kami ng bundok… Sa bawat liko may umaabang na panganib, may umaaninag na pangamba… Sa bawat nasasalubong na sasakyan ay halos may ilang purgada lang ang layo… At sa pagbaba ng bus umiiba ang pressure…
Pagdating sa La Union, bumaba na kami ng bus… Malakas pa rin ang ulan… Bumubuhos pa rin parang wala nang kinabukasan… Sumilong agad kami… Basang-basa na kami at pagod na pagod… Sa isang maliit na waiting shed kami nag-abang ng masasakyan papunta kina Jing… Puno lahat ng bus, puro may nakatayo… Sumakay na rin kami sa isang bus kahit na puno na ito… Wala kaming magagawa… Palakas nang palakas na ang ulan dapat makarating na kami kina Jing kundi maiistranded kami…
Sa loob ng bus, siksikan ang mga pasahero sa loob… May pumapara, may sumasakay…
“Arol, dito na tayo!”
“Manong para!”
“Wala pa kayo sa destinasyon ninyo…”
“Wala pa po ba?”
“Wala pa! Hahahaa…” Pinagtawanan kami ng konduktor…
May narinig akong pinagtatawanan kami ng isang matandang Ilocana… Kinakausap ang ibang pasahero at kami ang topic… Di ako masyadong nakakintindi ng Ilocano pero halatang pinagtatawanan kami ng ibang pasahero…
“O! Ayan na! Andito na tayo… Bumaba na kayo…” Sabi sa amin ng konduktor…
Bumaba na rin ang matandang pasahero… Pati ba naman sa labas ng bus pinagkakalat ang nangyari sa amin at pinagtatawanan!? Ewan ko… Bahala siya… Sumakay na kami ng tricycle papunta sa mga tito at tita ni Jing… Nadaanan namin ang dagat… Madilim na nun at naaaninag ko lang ito… Medyo may bako ang mag daan dito kaya panay kapit ni Raf sa cake… Mukhang di na magmumukhang cake ang cake na pasalubong namin kina tito…
Mga 7 o 8pm… Pagdating kina Jing, naabutan naming nagluluto si tita… Inabutan namin si Mayette sa sala nanunuod ng TV… Sa sala kami namahinga… Ibang-iba ang pakiramdam ko… Kinakabahan at magulo ang isip ko…
“Okay ka lang ba Arol?” Tanong sakin ni Raf
“Okay lang ako… Kinakabahan lang…”
“Okay lang yun no… Basta wag ka lang mapipikon ganun lang talaga magbiro sina Tito...” Paalala sakin ni Jing
Inihain na ni Tita ang mga handa para sa dinner namin… Di sumabay si tita… Sasabay nalang daw siya pagdating nina tito… Pagkatapos kumain… Pina-inom ko si Raf ng gamot para sa sipon… Lumalala na kasi ang sipon niya… Baka magkasakit ng tuluyan…
Pagkatapos namin kumain… Dumating sina tito… Nagyayaya ng inuman… San Mig Light daw… Pagsilip ko sa iniinom nila, di pala light… Lapad ang iniinom nila… Mataas ang alcohol content niyan… Pag niyaya ako sigurado tulog ako nito…
“Tito, si Farah po at siya naman po si Arol” Pinakilala agad kami ni Jing sa mga tito niya…
“Oi! Farah… Kamusta na? Okay ka lang ba dyan?” Biro ni Tito…
“Okay lang po…”
“Wag mo na akong i-po… Tito lang ang itawag mo sa akin…” Panibagong biro ni Tito…
Lumabas sina tito at tita, sa labas sila kumain. Bigla nalang ako pinatawag… Sumunod na ang mga biruan at kuwentuhan… Makikita sa kanila ang mga bagay na di ko pa nakikita sa araw-araw kong buhay… Masaya sila… Nakakatuwang kasama…
Mamaya-maya inayos na ang kuwarto… Doon daw muna kami matutulog sa kuwarto ni Tita… Nakakahiya… Napaka-hospitable nila… Di ko alam kung ano ang dapat kong gawin… Sa sobrang pagod ko… Gusto ko nang matulog… Sabi ni tita sa kama daw ako humiga sa kasi sina Jing at Raf sa kutchon daw hihiga…
Humiga na ako sa kuwarto… Nakapikit agad ako at nakatulog agad… Nagising lang ako nang may narinig akong “Gamot”…
“Ha? Ano yung gamot?” Nahihilo pa ako sa pagkagising ko…
“Wala… Matulog ka na…”
“Wala? sige… Mamaya na uli… Medyo masakit ang ulo ko ngayon…”
Lumabas uli ako sa sala, umupo sa gilid… Biglang lumabas si Tita galing sa kabilang kuwarto… May ikinukuwento sa amin habang nanunuod ng TV… Binibiro kami ni tito habang nagpapahinga sa sala… Habang kumakatok ang bawat patak ng ulan sa bubong… Nakakatuwang isipin na kahit hindi ko pa sila masyadong kilala… Nakaramdam agad ako ng kumportable sa kanila… Masaya silang lahat… One big happy family ika nga…
Mamaya-maya pumasok na sina Raf at Jing sa kuwarto. Nanunuod pa ako ng TV sa sala… Di ko namalayan nakatulog na pala ako sa sofa… Masarap matulog dito sa maliit na sofa… Isang linggo na ako di nakatulog ng ganun kalambot at kakumportable… Mabilis ako agad nakatulog…
Nagising nalang ako nang mapansin kong naglalakad si Jing sa harapan ko… Naghahanda na para sa pag-alis namin.
3am ang alis namin. 2:30am palang ngayon… Nag-ayos narin ako ng sarili ko at mga gamit. Inalmusal ko ang cake na dala namin at isang tasang mainit na kape… Hanggang ngayon, malakas pa rin ang ulan… Di ito tumigil sa buong gabi. Tuloy-tuloy ang buhos ng ulan. Iisa lang ang tono ng bawat patak ng ulan…
Ihahatid daw kami nina tito sa plaza upang makakuha ng masasakyan papuntang Sison, Panggasinan para deretso sa bataan… Ngayon, pinahiram kami nina tita ng dalawang payong at jacket para kay Jing… Malamig ang hangin… Basa at maputik ang daan… Madilim pa ngayon walang halos Makita sa labas… Naalala ko ngayon ang flash light na bigay sakin ni Papa nung nasa Maynila pa ako…
“Ryan, kunin mo ito! Siguradong makakatulong yan!” Yan ang sabi ng Papa ko habang iniimpake ko ang mga gamit…
Flash light, nakatulong nga ito sa di inaasahang pangyayari…
Nang maihatid na kami sa plaza, di nagtagal dumating na ang bus. Sumakay na kami ibababa kami sa Sison, Panggasinan Victory Liner Bus Stop… Maaga pa, wala pang araw. Mga 3:30am sa orasan ko… Nakatulog uli ako habang tumatakbo ang bus sa madilim at basang hi-way at sumasalubong sa malakas na ulan…

Bad Trip (Episode 1: Bagyo Baguio)

“Oi, kamusta na?"
"Doon tayo sa Starbucks. Hintay muna natin siya…”
“Ok.”
“Ano order mo?”
“Hot choco ung tall ha…”
“Ayun, alam mo ba ang plano?”
“Lam ko lang pupunta tayo ng Baguio, La Union tapos Bataan…”
“O! Ayan na siya…”
Napag-usapan naming tatlo ang plano para sa paglalakbay… Time, meeting place, at mga gagawin… Umuwi kami para paghandaan ang mga gamit…
“Ok na ba?”
“Ok na. Nagpaalam na ako…”
“4AM Edsa Victory Liner ha. See you there!”
Sa istasiyon ng bus… May natanggap akong text…
“Asan ka na?”
“Dito na ako…”
Mamaya-maya dumating si Raf…
“O, asan na si Jing?”
“Papunta na daw…”
“Bili muna tayo ng tiket…”
“Asan na siya ngayon?”
“C-5”
“Manong wag muna kayong umalis… May hinihintay pa po kami…”
“E, nasan na daw siya?”
“C-5 daw po…”
“Mahaba ang C-5… Sabihin mo hintayin nalang niya ung bus sa may Baliwag kasi iikot pa un…”
Sa loob ng bus…
“Tagal ni Jing… nasan na kaya un?”
“Oh! Ayan na siya!”
Tumatakbo na ang bus. Pareho kaming wala pang tulog… Alas kuwatro na ng umaga… Wala pa ang araw… Madilim pa ang paligid… Lima hanggang anim na oras ang lakbay namin papuntang Baguio… Natulog muna ako sa bus pagod kasi ang katawan ko… Tulog na rin silang dalawa… Di ko alam kung nasan na kami… Basta alam ko lang wala pa kami sa kalahati…
0630HRS
“Nga pala di ba ng-aaral si Maya sa Baguio? Anong school uli un?”
“SLU at UP lang ang andun…”
“SLU un…”
Tinext ko si Maya na pupunta kami sa Baguio sabay miscall… Active pa ang number niya… It’s more than a year, since We’ve seen her after my graduation… Lower batch namin si Maya… Vice president siya ng Scholia during my senior year in college… Academic Head ako nun… That time mga officers ng Scholia sina Jing and Raf… After my graduation, I’ve extended my service as academic head for two more years… Hobby ko kasi ang pagtuturo… Naging president si Maya ng Scholia after our graduation that is in her senior years… Now she’s taking up Medicine at SLU… Since we’re going there, we might as well go see her…
Sa unang bus stop namin…
“Dapat man libre ung nagpahintay sa bus…” Sabi ng konduktor sabay ngiti…
Bumili muna kami ng makakain. Sabay may nareceive akong text...
“Kuya, Up to kelan po kayo sa Baguio?”
“Mga 5pm lang kami, Kasama ko si ate Farah at ate Jerene mo… Meet ka namin mamayang lunch time…”
“12:30 po ang break namin 1pm tuloy ang class namin… Baka di tayo magkikita…”
“Ok, text-text ka nalang namin…”
“SLU ha.”
Natulog nalang uli ako sa bus. Wala akong magawa e. Wala pang tulog at bangag na bangag na ako…
Sison, Panggasinan Victory Liner Bus Stop
Tinext uli ako ni Maya…
“Kuya asan na po ba kayo?”
“Panggasinan, Meet ka namin mamaya sa front gate ng school niyo 12:30… Just take your time…”
“Ok, see you guys soon.”
Umandar na naman uli ang bus... Nang di ko namalayan nasa ilalim na kami ng bundok… Biglang bumuhos ang ulan… Basa ang bintana ng bus… Mukhang malalaki ang patak… Tsaka ko naalala ang balita: Thursday and Friday tatama ang bagyo sa north… Di ba north na ‘to? Hala… Wag naman sana… Andiyan na kami sa gitna ng bundok makakapal na fog ang sumalubong sa amin… Di ako makahinga masiyado ng mabuti iba kasi ang pressure at basa ang hangin… Please wag naman akong sumpungin… Habang kumakapal ang fog pataas kami ng pataas… Umiiba ang pressure ganun din ang temperature, palamig ng palamig…
Nang makarating kami sa Baguio… Wala pa kami sa kondisiyon… Malamig ang panahon wala kaming dala… Wala kaming payong… Di gaano makapal ang jacket na dala ni Raf… Ang inaalala ko lang si Jing… Sleeveless kasi ang suot… (Hehe... Tibay ni Jing!)
“Ok ka lang?”
“Ok lang ako…”
“Sigurado ka?”
“Oo…”
“San muna tayo…?”
“Sa Burham Park muna tayo… Ayun ung taxi…”
Pagdating namin sa Park, naghanap muna kami ng CR…
Doon muna namin inayos ang sarili namin… Nagpalit ako ng damit long sleeves na ang suot ko… Malamig na kasi... Balak sana namin pasyalan ang park, ngunit bigla nalang umambon… Di na kami nakapaglibot… Nagtaxi agad kami papuntang SM… Habang palaki ng palaki ang patak ng ulan…
Naging ulan na ang ambon nang makarating kami sa SM… Open air ang SM na ito tagus-tagusan ang building. Pumapasok ang lamig dito pero masmainit dito ng konti kesa sa labas… Sa food court muna kami namahinga at kumain… At napag-isipan ni jing na bumili ng jacket… Iniwan muna namin mga bagahe namin sa package counter ng SM tsaka kami naglibot para di mahirapan sa shopping…
Nagtext uli si Maya… Asan na daw kami… Nagreply ako…
“Nasa SM kami ngayon naghahanap ng jacket para kay Ate Jerene mo… May extra ka ba jan?”
“Malamig ngayon umuulan kasi.”
“Mga 12:00 kami aalis dito sa SM… Siguro mga 12:30 nandiyan na kami… Meet tayo sa gate ng SLU”
Nalibot na namin ang buong SM, walang mapili si Jing… Masmalamig na ngayon kesa kanina… Umulan kasi… At nararamdaman narin namin ang kakaibang lamig galing sa labas papasok sa loob ng mall…
Hinubad ko na ang jacket na suot ko at pinahiram ko na kay Jing tutal long-sleeves naman ang suot ko kahit papano di ako masyadong nalalamigan… Si Raf naman mukhang sinisipon na…
“Saan na tayo?”
“SLU, malapit na ang break ni Maya…”
Nagtaxi kami papunta dun. Di namin alam ang daming palang gate dito… (Ako lang ata ang di alam nun. (,”) )
“Saang gate kayo?”
“Doon nalang po sa main gate.”
Binaba kami ng taxi sa A. Bonifacio St… Tinext ko uli si Maya…
“Andito na kami sa main gate malapit sa gate2… Hintay ka namin dito”
Nagpaalam si Raf na magsesend siya ng email sa computer shop. Sa tapat lang ng gate ang computer shop na to kaya pumasok na rin ako habang hinihintay si Maya… Umaambon na uli…
“Wait lang po, may demo kami…”
“Ok lang, take your time…”
Pagkatapos ng ilang minuto…
“Papunta na ako.”
“Dito kami sa computer shop malapit sa Mr. Donuts.”
Lumabas ako para hintayin si Maya habang busy si Raf sa katatype ng email niya… Paglingon ko, nakita ko si Maya naka-uniform ng pang medicine… Di na niya siguro naalala hitsura ko… Lumilingon kasi…
“Maya!”
“Oh! Kuya!”
“Kamusta na?”
“Ayan, busy sa school… Asan sina ate?”
“Dito, andito sila…”
“Uy! Ate! Kamusta na kayo…”
“Hehe… Ganyan parin…”
Nagkayayaan na kami kumain… Paglabas ng computer shop tsaka bumuhos na ang ulan… Malakas na ang ulan ngayon parang shower na! Sa eatery na tinuro sa amin ni Maya, doon kami nagkuwentuhan tungkol sa school… Mga naiwang problema ng scholia at mga nangyari sa barkada at nagpicture taking… Akala namin magbebreak muna si Maya…
“Hindi ka kakain.”
“Hindi po, sasamahan ko lang po kayo…”
“Sige po, hinahanap na po ako… Iwan ko na po kayo… Sige bye…”
Nagpaalam na si Maya, nagmamadaling bumalik sa klase niya para sa demo… Siya na daw kasi susunod… Pagkatapos kumain… Lumabas na kami sa eatery, malakas parin ang ulan… Nang medyo mahina na ang ulan tsaka kami kumuha ng taxi, sa Mines View ang destinasyon…
Sa Mines View, naghanap na ng mareregaluhan sina Raf at Jing sa kaibigan daw nila na gagraduate sa MAAP kinabukasan… Wala parin silang mapili… Doon kami nagpicture-picture… Pictures ng mga feeling model. HEHEHE… Habang nagpipicture palakas ng palakas ang ulan… Sumilong kami sa isa sa mga gift shops dun… Malakas ang ulan, sige ang buhos parang walang kinabukasan… Di tumigil pero humina ng saglit… Tsaka kami tumuloy… Deretso na kami sa labas… Kumuha ng taxi para balikan na ang mga bagahe sa SM… Malakas na ang ulan… Mukhang di na ito hihinto… Basa na kami… Si Jing medyo okay pa dahil sa jacket na pinahiram ko… Si Raf, inuubo na at sinisipon… Basa na rin ako pero okay parin…
Pagdating namin sa SM… Naghanap uli kami ng ireregalo sa kaibigan nilang taga-MAAP… Sa bandang huli may nahanap din sila… At additional na pasalubong isang cake para sa mga kamag-anak ni Jing sa La Union… Iba na ang hangin sa SM… Malamig na… Ang ibang namimili sa loob ay nagchi-chill na kahit makapal na ang suot nila… Nasa 20 o 18 degrees na siguro… Pinakamalamig na temperatura na ng aircon sa ospital na pinapasukan ko… Okay lang siguro kung fog at lamig o ulan lang… Sumabay narin ang hangin nagmumula sa labas na umiihip paloob ng mall…
Kinuha na namin ang mga gamit namin sa package counter ng SM at kumuha uli ng taxi papuntang terminal ng bus… Mga 4:30pm o 5pm nasa terminal na kami ng bus bound to Manila… Pero dadaan ito sa La Union, kina Jing… Sa oras na yon… Malakas na malakas na ang ulan… Basang-basa na kami pati na ang mga gamit namin… Halos pwede na nating sabihin na naligo kami sa ulan… Siguro mga 40% wet na kami… Sa loob ng bus papuntang La Union, nagpahinga kami at natulog uli habang pababa ng bundok… Paalis sa Baguio… Sa oras na yon nagtext ako at nagpaalam uli ako kay Maya na paalis na kami ng Baguio…

Sa Istasiyon ng Tren ( Ang Unang Hirit )

LRT, MRT, Metrotrain… Eto ang mga tren na lagi natin nakikita. Sa Pagpasok sa opisina, paaralan o kahit sa paglalakwatsa man lang ito na ang nakasanayan nating sakyan…
Sa mga araw na ginawa ng Taga-gabay sa atin… May isang istasiyon ng Tren ang naging saksi sa mga pangyayaring sa iba ay wala lang ngunit para sa mga taong involve, ito ay naging isang makasaysayang lugar.
Sina Aaron at Sarah… dalawa sa mga libo-libong bagong graduate na naghahanap ng trabaho… Mga baguhang propesiyonal… Mapapansin iyon sa mga tindi ng kanilang pinapakita. Ito ang unang pagkakataong sabay sila naghahanap ng trabaho…
“May alam ka bang bagay sa pinag-aralan natin?”
“Um… Puro ospital ang alam ko eh…” Sagot ni Aaron
“Subukan kaya natin lahat?”
“May alam akong sakayan ng bus na dumadaan sa ospital na aaplayan natin…”
“Manong pakibaba nalang po kami ha…”
Pagkalipas ng isang oras nakarating na sila sa ospital na
planonilang aplayan ng trabao… Ibang klase ang ospital na ito… Ang Human Resources Office nila ay katabi mismo ng psychiatric ward.
“Fill-upan niyo muna ang form na ito at iattach ang mga dokumento niyo ksama ang picture…” Sabi ng isang human resources officer na mukhang di pa handa sa kanyang trabaho dahil sa tagal ng pag-aayos ng kanyang buhok…
Maya-maya pa…
“Mr. Aaron, Sorry we could not accept you here due to your board rating… Your board rating is too low for our standard… But we will keep your resume for six months…”
Paglabas ni Aaron…
“Sarah, di ako tinanggap mababa daw ang rating ko…”

Sanamatanggap naman nila ako dito…”
“Kaya yan, mataas naman ang rating mo ah…”
Biglang may narinig silang…
“Ms. Sarah, you’re next…”
Sa loob ng opisina…
“Ms. Sarah, How did you know about our job opening?”
“I’m a walk-in applicant… I don’t know if there is a job vacancy or none…”
“Acturally, we don’t have any vacancy on the position you are applying for… And all I can do for now is to keep your resume for six months… We’ll contact you if there’s any, okay?”
“Okay, thank you…”
Paglabas ni Sarah…
“Oh, ano sabi?”
“Wala palang vacancy!”
“Hehe… Nagsasayang lang tayo ng pagod at oras…”
“Text ko nga yung friend kong taga-call center…”
Maya-maya nagreply na ang friend niyang taga-call center…
“Imi-meet daw niya tayo sa mall na malapit dito…”
“Tmang-tama lang, doon narin tayo magla-lunch…”
Kumain sila sa isang fastfood chain sa loob ng mall… At pagkatapos kumain nakipagkita na sila sa kaibigan ni Sarah na taga-call center…
“Hi! Ito nga pala si Aaron.”
“Aaron, si Kim.”
“May work ka ba ngayon?”
“Actually, kagagaling ko lang sa trabaho…
Paramaingganyo kayo… Ito pakita ko sa inyo ang pay slip ko… Per 15 days lang yan!”
Seven thousand plus ang nakalagay sa pay slip ni Kim. Kung sa loob ng isang buwan mahigit kumulang nasa fourteen thousand ang sahod… Malaki ito para sa baguhan…
“Kung gusto niyo… Ilalakad ko kayo… Basta’t ang importante may background kayo ng computer… Parts, hardware, software and applications… Mga OS… Windows, Macintosh, Linux… at mga troubleshooting…”
“Mukhang mahirap yun ah… Aaron may alam ka ba sa mga ganyan?”
“More or less may alam ako…”
“Ito, mga more or less na ie-exam niyo after ng interview…”
“Saan ka na ba pupunta after nito?”
“Uuwi na ako…”
“Samahan ko nalang kayo sa istasiyon ng tren.”
Sa istasiyon ng tren… Pumila agad si Kim.
“Ito mga tickets niyo…”
“Ay, nakakahiya nilibre mo pa kami.”
“Okay lang yon, may trabaho naman ako…”
Sa oras na iyon, sa kinatatayuan mismo ni Sarah, sa isang terminal ng tren nabuo ang mga pangarap kahit kalian di niya ito inaakalang mabuo… Dito sa pangarap nabuo nagbago ang inog ng kanyang buhay… Dito nagsimula ang kanyang bago at sariling kuwento ng buhay…
*I would like to dedicate this story to one of my kabarkada… I really hope you are enjoying your life right now…

Sa Istasiyon Ng Tren ( Ang Ikalawang Hirit )

Isa ito sa mga pinakasikat na istasiyon ng tren dahil sa dami ng mga pasaherong sumasakay at bumababa dito… Isa itong istasiyong nag-uugnay sa dalawang linya ng tren… Ang Istasiyong ito ay isa sa may pinakamahabang pila sa bilihan ng tiket dahil sa dami ng mga nagtatrabaho sa mga opisinang malapit dito.
Linggo ng umaga, sa bahay ni Katrina…
“O, Harold, may lakad daw kayo ni Kat saan nga pala kayo pupunta?” Isang seriyosong tanong ng mahigpit na Mommy ni Kat…
“Ah… Auntie, Sa Glorietta po… Pero baka sa Robinson’s lang po kami…” Isa itong palusot na naisipan ni Harold sa mahigpit na Mommy ni Kat.
“Sino pa mga kasama niyo?”
“Sina Tess at RJ po…”
“May kotse ba kayo?”
“Meron po…” Halatang palusot lang ito…
“Anong oras ang uwi niyo?”
“Mga 8 or 9 po…”
“Sige ingat kayo sa lakad niyo ha!”
Sa Ibaba ng condominium nina Kat…
“Nasan sina Tess?” Tanong ni Harold kay Kat.
“Nasa simbahan daw… Puntahan muna natin… Joyce, pakihawak ang jacket ko…” Utos ni Kat sa kapatid niya.
"Tara na!”
Nakipagkita na sila kay Tess sa loob mismo ng simbahan… Nakaupo siya sa bangkong malapit sa gate ng chapel… Mag-isa lang si Tess… Nasaan kaya si RJ?
“Tess, nas’an si RJ?”
“Sa mall nalang natin siya imi-meet…”
“Tara na… ‘Nga pala alam mo ba panong sumakay papunta roon?” Tanong ni Harold kay Kay.
“Mag-tetren tayo… Way kang mag-alala di tayo maliligaw… Alam ko pano sumakay…”
Sa istasiyong ito bumili ng tiket ang apat na magbabarkada… KKB ang pagbayad…
Linggo ngayon , di gaanong karami ang mga pasahero ng tren… Medyo maluwag at di nakikipagsiksikan sa loob… Bumaba sila sa isang istasiyon para magpalit ng linya ng tren… Isa itong junction na terminal… Bumili uli sila ng tiket… Dito, kahit Linggo mahaba pa rin ang pila… Dahil malapit ito sa mga opisina, mga mall at mga call centers…
Nang makarating sila sa destinasyion nila… Tinext agad ni Tess si RJ kung saan sila magkikita…
Sa may Activity Center ng mall nila nakita si RJ…
“Lunch time na! Saan tayo kakain? Sagot ko ang lunch natin may one year na ako sa work ko eh! Gusto ko lang i-celebrate…”
“Harold, ikaw ba? Ikaw manlilibre dapat ikaw mag-decide…”
“Saan nga kaya? Sa bihira nating kainin…”
Maya-maya, nakapagdesisyon na sila… Sa loob ng isang sikat na restaurant… Mukhang mahal dito… Puro kasing Amerikano ang kumakain at medyo sosiyal ang service dito… Hindi bale minsan lang daw naman ito! Barkada ni Harold to! Ang unang barkada na tumanggap sa kanya kahit sino man siya… Kaya minahal niya ang kanyang kabarkada na parang sariling kapatid…
Pagkatapos nilang kumain, nagkayayaan silang manuod ng sine… “Copse Bride” ang title ng palabas… Sa puntong ito…
“Harold, thanks ha! Um… May budget ka pa ba? Okay lang sa amin na KKB tayo dito sa tiket… Tutal malaki na ang ginastos mo kanina sa lunch natin…”
“Sige, kung okay lang sa inyo… Okay lang din sa akin…”
Matagal nang di nakakapanuod ng sine si Harold ang pinakahuling napanuod niya ay “Star Wars Episode III” Dahil sa trabaho niya… Bihira lang makapagrelax si Harold ng ganito… Palaging trabaho kasi ang laman ng isip niya.
Nang medyo ginagab na… Nagkayayaan nang umuwi ang barkada… Tren parin ang kanilang sinakyan.
Sa loob ng Tren…
Naglakad si Harold sa may banding dulo ng tren, humawak sa safe handle na kasing taas lang ng kanyang baywang at nakatitig sa riles habang tumatakbo ang tren… Medyo palubog na rin ang araw kaya maganda ang sinag ng araw…
Lumapit si Tess…
“Seriyoso ka ata diyan ah! May problema ba?”
“Wala, wala akong problema.” Mahina ang sagot ni Harold. Di siya lumingon para tignan si Tess…
“Naenjoy ka naman?”
“Yah! Naenjoy naman ako… For the first time nakapagrelax ako ng maayos… Nawala ang stress ko sa work… Thanks ha.” Kasama ng mga katagang ito ang mga lihim na ngiti ni Harold sa kanyang isipan…
Sa araw na iyan na nilikha ng Tagasubaybay naging saksi ang mga istasiyon ng tren ang samahan ng isang barkada… Isa lamang ito sa mga tagpo na minsan di natin napapansin sa pang-araw-araw nating pagsakay sa tren…
*I would like to dedicate this story to may kabarkada… I really hope that our friendship will last for eternity… “We can’t be together forever but we can spend the time we have into something memorable that will last forever.”

Wednesday, May 10, 2006

Kaarawan

May 9 ngayon, 10 na bukas... Birthday ng isa kong kabarkada... Dasal ko lang na sana kahit papaano maging masaya siya...
Sa lungkot at kasawiang dinanas niya... Sana maisipan pa niyang ngumiti...
"Di ko nga alam kung magse-celebrate pa ako ng birthday ko e..."
Sana makacelebrate naman siya...
Ayoko ng ganung feeling... May mga malulungkot na bagay sa mga masasayang araw... Sana magawa pa niyang ngumiti bukas...

Wednesday, April 05, 2006

Iyan Ang Buhay

March 30, 2006 1500hrs - 2100hrs
"That's Life!" - Isang favorite line na palaging binabanggit ni Sandra...
"Iyan ang Buhay!" sa Tagalog...
Sa hapong ito nakaduty ako sa pharmacy... May lumapit na magpapa-avail daw ng gamot gamit ang PCSO account... Pero wala siyang dalang sulat galing PCSO, dala lang ang reseta ng gamot... Ipapacharge nalang daw sa In-patient account ang gamot... Pero bawal ang prosesong ito... Dahil walang sulat...
Nakakaawa ang ganito... Wala silang pera pambili ng gamot... Mahirap lang sila pero wala kami magagawa...
Maya-maya, habang kumakain ang ibang kasamahan ko... kami nalang ni Kuya Ogie ang nasa counter... Lumapit uli sila... Kailangan na kailangan na raw emergency na daw ang gamot... chineck namin ang reseta... Isang Plain NSS 1L at tatlong Aeknil ampule... Emergency daw?!
"Sige na bilhin nalang namin ng cash! Kailangan na kailangan na namin!" - Sabi ng bumibili...
"Oi, Bilisan niyo! Nangingitim na ang bata!" - Sigaw ng isang kasama nila habang tumatakbo palapit sa counter...
Binentahan na namin sila ng mga gamot...
Pag emergency case na meron silang emergency cart sa bawat station. Di na kailangan pa ng pera yon. Kumbaga save now pay later...
Maya-maya tumawag ang Charity Ward...
"Sir, pwede po bang magpacharge ng gamot kahit wala pang tatak ng accounting?"
"Di, po pwede pag walang tatak ng accounting. Ano po ang gamot?"
"Sir, epinephrine, sodium bicarbonate..."
"Sige, ok lang... Emergency meds na po yan eh..."
Dumating ang reseta chinarge ko na... Uy! Teka pareho ang apelyido ng pasiyente nito sa bumili ng Aeknil kanina ah...
Tumawag uli ang charity...
"Sir, may hindi pa po ba kayo naicharge sa patient na si..."
"Si ano...?"
"Opo..."
"RIP na po eh..."
Ganon talaga ang buhay... Mabilis parang hindi ka na kilala sa mundo... Dumadaan lang na parang hangin na nagpaparamdam lang... Wala na ang bata... Siguradong umiiyak na ang mga kamag-anak niya...
Dapat lang tayo maging mabait sa kapwa... Hindi natin dapat isipin na pag mabait tayo ay kukunin tayo ni Lord... Dahil hindi natin alam kelan tayo kukunin ni Lord... Dahil Siya ang tanging may alam kung kelan tayo hihinto sa mga daan na nilalakbayan natin...
Do good, be good, live good...
May God be with you...

Sunday, March 26, 2006

Para Kay 'Tin'

Sometime we smile. Sometime we cry. Sometime we just stare up in the sky and think... Why?

There is no questions that was given to us. There are only answers... But why?

I don't know... You don't know... They don't know...

Past is part of our present and future will always be our answer...

We love... We hate...

In that sense, there is an involvement of people around you... When things go... They always go with reason... And even an eternal separation of people involved has a reason, but in this sense the reason is something we don't want to happen... It only does... And this is what they called Life...

Things gone by around someone you knew... Someone already finished his term in his promise in that very day... And earned nothing in return but only additional problems... And what he did was just smile to show the world that his fine...

But what Life really want us to do is to play our own role in His stage... Whether action, comedy, drama or a romantic love story... We just play the role until it is finished... Some actor may just have only a small part in the play of your life but it can definitely affect the outcome...

We are human... Human have emotions... Don't be afraid if you cry or got hurt... It is normal in our life... What's not normal is we can't get the play moving if we got hurt...

I may not be a better person who knows you well... But I know how you feel at that time... Always saw you have that lonely smile... Atleast, it was a real smile... Just a simple smile :)

Written on March 26, 2006 2100hrs

Sunday, March 19, 2006

A Pharmacist Prayer

Lord, As I work behind this counter
may I feel Your presence here.

And help me to fill each prescription
with knowledge, caution and cheer.

And may I always be humbled
by the privilege that is mine
of making a life more comfortable and healthier
and with a greater peace of mind.

For all who seek assistance
Give me wisdom to meet their needs.

And for each encounter
I pray that I shall follow as You, Lord, lead.

Amen
****************************
This prayer is given to me by my boss at CGHMC pharmacy department dated March 14, 2006.
It comes with a frame and computerize printout by Panpharma...
****************************
I want to dedicate this prayer to all my friends and collegues! Just remember that God will always be there for you... Just pray for Him...

Thursday, March 02, 2006

Somewhere Out There

Lyrics as performed byLinda Ronstadt and James Ingram
from the movie An American Tail (1987)
written by James Horner, Barry Mann, Cynthia Weil
Lyrics Copied From: www.ronstadt-linda.com an unofficial fan page


Somewhere out there beneath the pale moonlight
Someone's thinking of me and loving me tonight

Somewhere out there someone's saying a prayer
That we'll find one another in that big somewhere out there

And even though I know how very far apart we are
It helps to think we might be wishing on the same bright star

And when the night wind starts to sing a lonesome lullaby
It helps to think we're sleeping underneath the same big sky

Somewhere out there if love can see us through
Then we'll be together somewhere out there
Out where dreams come true

And even though I know how very far apart we are
It helps to think we might be wishing on the same bright star

And when the night wind starts to sing a lonesome lullaby
It helps to think we're sleeping underneath the same big sky

Somewhere out there if love can see us through
Then we'll be together somewhere out there
Out where dreams come true


**********************************

I would like to post this song...

Not only because it is one of my favorite but also I would like to dedicate this to all my friends...

This song is a good lullaby... Remind me of my childhood watching the Disney's movie: An American Tail. It does calm my heart, my mind, and my soul... It does help me to get a hold of myself when I was really going to break...

I just can't think of words to say... It is just like this...

Guys, kung nababasa niyo ito... Please kahit anong man mangyari... Ayokong mawala kayo... Mawala man ang lahat ng bagay sa mundo wag lang kayo... Di ko talaga makakayanan kung mawawala kayo... Kung may pagkukulang man ako o kung may konting di pagkakaunawaan pwede po natin pag-usapan ang mga yon... Dahil ang pagkakaibigan ko sa inyo ay puro at malalim... Di ako naging plastik sa inyo... Kahit na ngayon ko lang uli kayo nakita o minsan ko lang kayo nakakausap sa phone, sa text, o sa E-mail... Takot talaga akong mawala uli kayo, alam kong naging selfish ako sa mga sinabi ko pero yan po ang totoong nararamdaman ko... As much as possible gusto kong maging honest sa inyo para makilala niyo talaga kung sino ako... Tao lang po ako at may kapintasan din... Sana maintindihan niyo po ako...

Hindi ko man sinabi sa inyo ng harapan ang nararamdaman ko ang dasal ko lang sana mabasa niyo ito sa mga blogsites ko... Mahal ko po kayo...

Sunday, February 26, 2006

Kuwento Ng Balot

Ang balot ay isang uri ng itlog na kinagigiliwan nating kainin… Isang uri itong delicacy na ang laman ng itlog ay sisiw… Isa daw itong pampalakas… Vitamins kumbaga…

Tuwing gabi sa lugar na pinapasukan ko may naglalako niyan na empliyado… Pag dumadaan si Manang aalukin ako “Gusto mo ba ng balot? Penoy?”

Kinasanayan na nating sabihin na “Yung maraming sabaw po ang ibigay niyo ha?”

At natural na sasabihin ng nagtitinda na “Oo, masabaw yan…”

Ngunit sigurado ba siya sa sinasabi niya? Siguradong masabaw daw iyan…

Mamaya-maya, may narinig ako sa kasama ko… “Niloko tayo ni Manang! Di naman masabaw ah! Malaki pa ang sisiw!”

Hindi sila niloko ni Manang… Sila ang nanloko sa sarili nila… Kahit sino ay di alam ang laman ng itlog… Hindi kasi nakikita ang loob nito… Naniwala sila agad na masabaw daw… Kahit sino na may negosiyo o hanapbuhay ng paglalako ay magsasabi na maganda ang produkto nila at sinisigurado nila ang kagustuhan ng mga mamimili…

Subukan niyong bumili ng mga pagkain inihahain sa karindirya… “Maanghang po ba ito?” Sasabihin nila na “Oo, maanghang ito…” Dahil akala nila gusto niyo ng maanghang… Ngunit sa tingin ko di naman ito maanghang… Curry po ang tinutukoy ko na walang quality…

Parang sinasabi ng isang may nirereto… “Oo, may kakilala akong tall, dark, and handsome…” o “May kakilala akong sweet and sexy…”

Hindi importante sa akin ang mga quality na iyan… dahil lahat po tayo ay may kapintasan… Hindi perpekto dahil tayo ay tao lamang… Ngunit meron po tayong sariling kalidad… Kalidad na makikita lamang sa iisang tao… Ispesiyal na binigay ito sa atin ng Banal Na Gabay…

“Imperfect is perfect” – Isa sa mga paborito kong motto…