Sunday, July 01, 2007

Sa Istasiyon Ng Tren ( Ang Ikalawang Hirit )

Isa ito sa mga pinakasikat na istasiyon ng tren dahil sa dami ng mga pasaherong sumasakay at bumababa dito… Isa itong istasiyong nag-uugnay sa dalawang linya ng tren… Ang Istasiyong ito ay isa sa may pinakamahabang pila sa bilihan ng tiket dahil sa dami ng mga nagtatrabaho sa mga opisinang malapit dito.
Linggo ng umaga, sa bahay ni Katrina…
“O, Harold, may lakad daw kayo ni Kat saan nga pala kayo pupunta?” Isang seriyosong tanong ng mahigpit na Mommy ni Kat…
“Ah… Auntie, Sa Glorietta po… Pero baka sa Robinson’s lang po kami…” Isa itong palusot na naisipan ni Harold sa mahigpit na Mommy ni Kat.
“Sino pa mga kasama niyo?”
“Sina Tess at RJ po…”
“May kotse ba kayo?”
“Meron po…” Halatang palusot lang ito…
“Anong oras ang uwi niyo?”
“Mga 8 or 9 po…”
“Sige ingat kayo sa lakad niyo ha!”
Sa Ibaba ng condominium nina Kat…
“Nasan sina Tess?” Tanong ni Harold kay Kat.
“Nasa simbahan daw… Puntahan muna natin… Joyce, pakihawak ang jacket ko…” Utos ni Kat sa kapatid niya.
"Tara na!”
Nakipagkita na sila kay Tess sa loob mismo ng simbahan… Nakaupo siya sa bangkong malapit sa gate ng chapel… Mag-isa lang si Tess… Nasaan kaya si RJ?
“Tess, nas’an si RJ?”
“Sa mall nalang natin siya imi-meet…”
“Tara na… ‘Nga pala alam mo ba panong sumakay papunta roon?” Tanong ni Harold kay Kay.
“Mag-tetren tayo… Way kang mag-alala di tayo maliligaw… Alam ko pano sumakay…”
Sa istasiyong ito bumili ng tiket ang apat na magbabarkada… KKB ang pagbayad…
Linggo ngayon , di gaanong karami ang mga pasahero ng tren… Medyo maluwag at di nakikipagsiksikan sa loob… Bumaba sila sa isang istasiyon para magpalit ng linya ng tren… Isa itong junction na terminal… Bumili uli sila ng tiket… Dito, kahit Linggo mahaba pa rin ang pila… Dahil malapit ito sa mga opisina, mga mall at mga call centers…
Nang makarating sila sa destinasyion nila… Tinext agad ni Tess si RJ kung saan sila magkikita…
Sa may Activity Center ng mall nila nakita si RJ…
“Lunch time na! Saan tayo kakain? Sagot ko ang lunch natin may one year na ako sa work ko eh! Gusto ko lang i-celebrate…”
“Harold, ikaw ba? Ikaw manlilibre dapat ikaw mag-decide…”
“Saan nga kaya? Sa bihira nating kainin…”
Maya-maya, nakapagdesisyon na sila… Sa loob ng isang sikat na restaurant… Mukhang mahal dito… Puro kasing Amerikano ang kumakain at medyo sosiyal ang service dito… Hindi bale minsan lang daw naman ito! Barkada ni Harold to! Ang unang barkada na tumanggap sa kanya kahit sino man siya… Kaya minahal niya ang kanyang kabarkada na parang sariling kapatid…
Pagkatapos nilang kumain, nagkayayaan silang manuod ng sine… “Copse Bride” ang title ng palabas… Sa puntong ito…
“Harold, thanks ha! Um… May budget ka pa ba? Okay lang sa amin na KKB tayo dito sa tiket… Tutal malaki na ang ginastos mo kanina sa lunch natin…”
“Sige, kung okay lang sa inyo… Okay lang din sa akin…”
Matagal nang di nakakapanuod ng sine si Harold ang pinakahuling napanuod niya ay “Star Wars Episode III” Dahil sa trabaho niya… Bihira lang makapagrelax si Harold ng ganito… Palaging trabaho kasi ang laman ng isip niya.
Nang medyo ginagab na… Nagkayayaan nang umuwi ang barkada… Tren parin ang kanilang sinakyan.
Sa loob ng Tren…
Naglakad si Harold sa may banding dulo ng tren, humawak sa safe handle na kasing taas lang ng kanyang baywang at nakatitig sa riles habang tumatakbo ang tren… Medyo palubog na rin ang araw kaya maganda ang sinag ng araw…
Lumapit si Tess…
“Seriyoso ka ata diyan ah! May problema ba?”
“Wala, wala akong problema.” Mahina ang sagot ni Harold. Di siya lumingon para tignan si Tess…
“Naenjoy ka naman?”
“Yah! Naenjoy naman ako… For the first time nakapagrelax ako ng maayos… Nawala ang stress ko sa work… Thanks ha.” Kasama ng mga katagang ito ang mga lihim na ngiti ni Harold sa kanyang isipan…
Sa araw na iyan na nilikha ng Tagasubaybay naging saksi ang mga istasiyon ng tren ang samahan ng isang barkada… Isa lamang ito sa mga tagpo na minsan di natin napapansin sa pang-araw-araw nating pagsakay sa tren…
*I would like to dedicate this story to may kabarkada… I really hope that our friendship will last for eternity… “We can’t be together forever but we can spend the time we have into something memorable that will last forever.”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home